Wendy Valdez, not for sale!

MALAKI ANG NAGING bahagi ng I Love Betty La Fea sa showbiz career ni Wendy Valdez, kahit sabihin pa nating inilunsad na siya sa Margarita.Tumatak naman kasi sa isipan ng viewing public ang papel na kanyang ginampanan bilang sekretarya ni Ruffa Gutierrez at love interest ni Vhong Navarro.

After Betty, ano ang susunod niyang project sa Kapamilya network? “Hindi naman ako nawawalan ng project sa ABS kahit pulos guesting lang, okey lang sa akin. Matakot ka kapag wala na silang ibinibigay sa ‘yong assignment, du’n ka mag-worry,” panimula ni Wendy sa birthday presscon ng Star Magic.

Signature bag ang birthday gift ni Bruce Quebral kay Wendy na labis na ikinatuwa ng seksing actress. Kasal na nga ba sila ni Bruce? “Hindi, ah! Kahit nga ako, na-shock nang mabalitaan ko ‘yun. Kumpleto pa nga ‘yung details ng pagpapaksal namin. Pati nga date at kung saan kami ikinasal, nakakaloka! Maging si Bruce nagulat nang lumabas ‘yung issue tungkol sa pagpapakasal namin. May nagsasabing fans daw namin ang may gawa dahil gusto talaga nilang magkatuluyan kaming dalawa. Wala pa kaming plano tungkol sa bagay na ‘yan. May kanya-kanya pa kaming responsibilidad sa aming pamilya,” sambit niya.

Papaano kung may ibang babae si Bruce? “Hindi ko iniisip ang mga bagay na ‘yan at ayaw kong isipin, ayaw kong bigyan ng malisya ang utak ko. Malaking factor sa isang relationship ‘yung trust sa isa’t isa. Kung sakaling dumating ‘yung time na mabalitaan kong may babae siya – bahala siya! Hindi mo naman kasi hawak ang kalooban niya kahit sabihin pa nating nagmamahalan kayo. At saka, mapi-feel ko naman kung mayroon, babae ako. Malakas ang pakiramdam namin tungkol sa bagay na ‘yan. Ang pagkakaalam ko, hindi naman babaero si Bruce kaya malaki ang tiwala ko sa kanya,” depensa ni Wendy.

Kahit madalang magkita sina Wendy at Bruce, tuloy pa rin ang kanilang communication. “Nag-uusap naman kami sa cellphone kahit wala siya rito. Everytime naman na nandito siya, nagkikita kami, we go out, have dinner together. Papasyal siya sa bahay, kung minsan ako naman ang dumadalaw sa house nila. As of now, maganda ‘yung flow ng relationship namin kahit malayo kami sa isa’t isa. Ang importante kasi, continuous ‘yung  communication n’yo, palaging may bago kayong mapag-uusapan. Sa totoo lang, exciting din naman ‘yung relationship namin ni Bruce, nakaka-thrill, nakaka-excite everytime na nagkikita kami at nagkakausap,” wika niya.

Kung sakaling dumating ‘yung time na may manligaw kay Wendy na guwapo’t mayaman, may pag-asa ba naman? “Honestly, stick to one lang ako kapag nakipag-relasyon. Hindi ako nag-i-entertain ng suitor kapag may boyfriend ako. Hindi naman kailangang guwapo’t mayaman para magustuhan kita. May mga nanligaw din naman sa aking guwapo’t mayaman pero hindi ako pumatol, hindi ko sila type! Ako kasi, kung ano ‘yung dikta ng puso ko ‘yun ang sinusunod ko. Suwerte ko na lang kung rich ‘yung lalaking magugustuhan ko. Hindi ako tumitingin sa pera. Ang importante sa akin mahal kita, ‘yun lang,” esplika niya. Sa tono ng pagsasalita ni Wendy Valdez, not for sale ang pag-ibig niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.