Stars Candid: Wendy Valdez, naparami ang kain

Huling huli natin kung gaano karami ang kinain ng ex-PBB housemate na si Wendy Valdez sa press launching ng The Bar noong October 16 sa Libis, Eastwood. Karelasyon n’ya pa rin ang dating PBB housemate na si Bruce Quebral na nagtatrabaho sa ibang bansa. I Love Betty La Fea ang huling big teleserye ni Wendy at in fairness, pinatunayan n’yang p’wede rin siya isabak sa larangan ng komedya. Wala siyang ibang project kundi Everybody Hapi sa TV5. Nakapagtatakang wala pang nakalinya sa kanya, eh mukhang paborito naman siya ng mga execs huh?! Kaya ba idinaan na lang ni Wendy sa kain ang kawalan niya ng projects? Nagtatanong lang..

By Faith Salazar, Photos by Allan F. Sancon

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.