Parazzi Chikka: Wendy Valdez, naglaslas?!

Nakatanggap kami ng e-mail mula sa isang Brendy (Wendy Valdez-Bruce Quebral) fan, kasama ang mga litratong ito. Itinatanong niya kung ano ang nasa kaliwang kamay ni Wendy na tila malaking hiwa. Ang eksaktong tanong nga niya ay “Naglaslas po ba siya?”

Kung titignan nga naman, parang naghiwa sa sariling kamay si Wendy. May balita rin kasing naghiwalay na diumano sina Wendy at Bruce na nauna na ring napabalita na ikinasal na rin daw, bagama’t kapawa ito itinatanggi ng dalawang ex-housemates sa Bahay ni Kuya.

Pero may chikka rin na masyado raw malapit sa isa’t isa sina Wendy at ang model-actor na si Will Devaughn na dati ring PBB housemate, tulad nga ng makikita sa mga litrato rito. Kumakalat kasi sa internet ang pictures na magkasama sina Wendy at Will, at sa sweetness na ipinapakita sa mga litrato, mukha ngang may namamagitan na sa dalawa.

Well, kung anuman, bahala na kayo mga kaparazzi ang humusga. Kailangan din namang magpaliwanag ni Wendy tungkol sa mga isyung ito. Ano nga ba ang totoo, ha, Margarita… este, Wendy?!



Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Wendy Valdez, naglaslas?!

  1. ano ba yan si wendy nagpaparami ng peklat! baket siya naglaslas, dahil kay bruce o kay will? nakakahiya naman tong babaeng to. parang di mabubuhay ng walang lalake. 2 pa! huy magkasakit ka jan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.