Wendy Valdez does the ‘sign language’

Kahit na marami ang halos isumpa at Ikundena siya sa sobrang galit ng mga tao sa inasal niya sa loob ng bahay ni Kuya, buhay na buhay pa rin ang karera ni Wendy Valdez, ang Pinoy Big Brother Season II 3rd placer. Tandang-tanda pa naman kung paano sumigaw na sabay-sabay ang  audience sa labas ng kontrobersyal na bahay nang mapaalis si Bodie Cruz imbes na siya. Sabay-sabay nilang sinambit ang mga katagang “Wendy, labas!” na parang nag-ra-rally sila sa labas ng Malacanañg.

Sa Big Dome naman ay nag-booo halos ang buong Araneta nang banggitin ang pangalan niya. Akala nila noon ay mamamatay na ang showbiz career ng dalaga pero iba ang nangyari. Naging bida pa ito sa afternoon sexy drama na Margarita kung saan katambal niya ang nobyo niyang si Bruce Quebral. Lumabas rin siya sa Palos bilang isa sa mga katambal ni Cesar Montano.

Ang pagganap sa papel ng seksitaring si Patricia sa I Love Betty La Fea na siguro ang pinakamalaking break niya sa TV. Kahit na kontrabida ang papel niya rito, marami ang naaliw sa kanya. Kahit papano ay humupa na rin ang galit ng mga tao sa kanya.

Mapapanood muli natin si Wendy sa Precious Hearts Romances kasama si Joem Bascon na dati na niyang nakasama sa Betty. Hindi kaya magka-developan na silang dalawa niyan? Paano na si Bruce Quebral na ngayo’y nagtratrabaho sa abroad at napapabalitang asawa na niya? Hmmm… Wendy, sagot!

By Mica Rodriguez

Photos By Allan Sancon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.