Wendy Valdez, ‘di pa split sa boyfriend – Chit Ramos

TOTOONG-TOTOO NA ang dating tsismis na one billion pesos (P1 B) nga ang sosyo  ni Sen. Manny Villar sa ipinatatayong Twin Tower ni Willie Revillame sa tapat ng ELJ building ng ABS-CBN.

At hindi si Willie ang umamin kundi ang senador. Kay Willie ang lupa at kay senador naman ang building. Nagustuhan daw ng Wowowee host ang plano ni Sen. Villar na mas maraming taong makikinabang sa building kaysa dating plano niyang mall at teatro lamang.

Huwag din daw mag-alala ang mga taong nanood ng kanilang show sa Dasmariñas, Cavite. Hindi kasi umabot ang show sa pagbibigay ng isang house and lot dahil kinakailangang itigil ang show. Baka raw kasi magkaroon na naman ng stampede dahil higit 150 thousand ang dumumog sa show. Marami na ang nasaktan at hinimatay at posibleng mamatay kung hindi pa ititigil ang show.

MUKHANG MABIBITIN AGAD ang namumuong romansa nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes. Tapos na ang shooting nila ng Patient X at bilang na ang mga araw ng pagpo-promote nila ng pelikulang magpi-premiere night agad sa Oct. 25 sa mahigit 100 theatres sa Metro Manila.

Bubusisiin ni Richard ang post production ng pelikula, dahil isa siya sa tatlong producers nito. At mukhang minamadaling lutuin ang isang pelikulang pagtatambalan naman nina Richard at Anne Curtis ng Viva Films which is co-producing it with GMA Films.

Si Cristine naman ay babalik na sa shooting niya with Bossing Vic Sotto para sa Ang Darling Kong Aswang entry ng M-Zet at OctoArts International sa darating na  Metro Manila Films Festival sa October.

Kung tadhana ang naglapit sa kanila dahil sa pagligtas ng binata sa dalaga sa tiyak na kamatayan after typhoon Ondoy, tadhana rin kaya ang nagbibirong paghiwalayin sila pansamantala para lalong ma-miss ang isa’t isa?

Hindi pa puwedeng sagutin ‘yan sa ngayon. Pero,puwede nang sabihin na perfect match sila, afterall, they are considered the sexiest man and woman in showbiz ngayon. At pareho pa sila walang sabit.

NAG-FIRST DAY shoot naman si Sharon Cuneta ng Mano Po 6: I Love You Mom noong Sabado sa Sofitel Hotel. Sayang at na-late tayo ng dating, kung kaya’t hindi natin nasaksihan ang excitement niya.

First time na gagawa ng pelikula si Sharon para sa Regal Films at siyempre,mas excited si Mother Lily. “I never stopped hoping na makapag-produce ako ng movie with Sharon at tingnan n’yo, nagkatotoo na,” pahayag niya.

Nadagdagan pa ang excitement ni Mother nang pati si Heart Evangelista ay gaganap din bilang anak ng megastar. Kahit third choice si Heart (the other’s being Angel Locsin and Kim Chiu), hindi ito naging problema. Game na game si Heart.

Sayang at hindi puwedeng makasama si Gabby Concepcion sa filmfest entry ng Regal. Kung matutuloy man ang pagtatambal ng Mama at Papa ni KC Concepcion, sa Star Cinema lamang ito matutuloy. Sa recent survey, buhay na buhay pa rin ang Sharon-Gabby team-up.

WALA NAMAN DAW balak na maging lasenggera ni Wendy Valdez kahit kasama na siya sa bagong endorsers ng The Bar ngayon. “Nagustuhan ko ang tinimpla nilang Apple Vodka, pero, hindi ibig sabihin noon na malululong na ako dahil endorser na nga ako ng The Bar.”

Ayaw ni Bruce (Quebral)?

“Hindi naman sa ganu’n, pero kung magse-celebrate ako, I’m sure na Apple Vodka party ito. Iyon, para ko na ring sinabi na hindi kami break. Hindi naman talaga. Nagkikita kami once a week or twice a month. Kasi pinapayagan naman siyang umuwi rito ‘pag weekends. Saka, malapit lang ang Qatar. Love niya talaga ako  dahil nag-e-effort siyang bisitahin ako. Ako lang at wala nang iba.”

Si Angelica Panganiban pa rin ang main endorsers ng The Bar, pero dagdag na ngayon bukod kay Wendy sina Jamee Joaquin, John James Uy at Jay-R Siaboc.

BULL Chit!

by Chit Ramos

loading...

6 thoughts on “Wendy Valdez, ‘di pa split sa boyfriend – Chit Ramos

  1. so stupid of her,,di nmn kylangan ni bruce magpaalam sa company nya everytime uuwi xa noh kya mali sbi ni wendy n pinapayagan. saka sa dubai base si bruce at hindi qatar. puro kabobohan snasabi nyn. and when u say once a week it means weekly which is impossible..stupid

  2. si wendy isang GRO daw yan bago sumali sa PBB. ewan kung ilang taon siya nag stay sa Japan..

    haha e di umamin din si willie na may kahati sa gastos ng building niya.. i’m sure totoo din ang balita na dummy siya ni kabayan noli da cashtro!

    • isa ka pang bruha ka. may ebidensya ka ba sa mga pinagsasabi mo. sabi ko nga, ang nag iimbento ng kwento ay napupunta sa hell.

Leave a Reply

Your email address will not be published.