WENDELL RAMOS, OBER DA BAKOD NA SA SINGKO!

NAGPAALAM NA PALA si Wendell Ramos sa GMA-7 nu’ng nag-taping ito sa Bubble Gang nu’ng Lunes. Ayaw kumpirmahin ng manager niyang si Perry Lansigan kung lumipat na ang aktor sa TV5 dahil wala pang contract-signing na nagaganap.

Pero totoong may napagkasunduan na sila ng Singko, pero mahirap daw magkumpirma dahil wala pang pirmahan ng kontrata. Hintayin na lang daw munang pumirma si Wendell bago nila ito i-announce officially.

Ang dinig ko, ang manager mismo ni Perry ang nag-alok kay Wendell sa TV5. Maganda naman daw ang napag-usapan nila at hindi naman daw ‘yon tinapatan ng GMA-7, kaya mukhang tuloy na ang paglipat ng aktor.

Abangan na lang natin ‘yan, marami pang puwedeng mabago hangga’t wala pang pirmahan.

MAGDADALAWANG BUWANG BUNTIS na pala si Danica Sotto-Pingris, kaya excited na Dina Bon-nevie. Kung siya raw ang masusunod, gusto sana niya baby girl ang ipinagbubuntis ni Danica, gusto na niya talagang magkaroon ng apong girl.

Nu’ng kamakalawa lang ito kinumpirma ni Danica sa mommy niya dahil nu’ng nakaraang linggo ay nagpa-pregnancy test lang siya. Gusto niya raw na makumpirma mismo sa OB-gyne at makitang may heartbeat na ito. Actually, naikuwento na ni Dina ‘yan sa presscon ng Who’s That Girl pero hindi pa talaga kumpirmado mula sa doktor.

Dahil diyan parang naiinggit daw yata sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, kaya gustong-gusto na rin nilang magkaroon ng baby. May adopted son naman sila na mahigit one year old na, kaya napapraktis na rin ng bagong kasal ang paren-ting.

Nu’ng nakaraang linggo nga ay sinamahan pa pala ni Dina si Kristine para magpa-check-up kung buntis ito, pero hindi pa pala. Ang ending si Danica ang buntis!

Lagi naman daw sinasabihan ni Dina ang mag-asawa na huwag magmadali dahil ibibigay sa kanila ng Diyos ‘yan sa tamang panahon.

Abangan n’yo pala sa Startalk TX ang exclusive interview namin kina Oyo at Danica, pati na rin kay Dina na medyo nag-i-emote at nalulungkot ngayon dahil mag-isa na lang siya sa napakalaki niyang bahay. Kaya balak na raw nitong ibenta ‘yon. Kukuha na lang daw siya ng medyo maliit na bahay o condo unit sa The Fort para malapit sa mga anak niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.