WENDELL RAMOS, MAS BONGGA ANG CAREER SA SINGKO KESA SA SIYETE!

KUMPIRMADO NA ANG pagbabalik sa telebisyon ni Ms. Ali Sotto sa GMA-7. Pinaplantsa na ang programang gagawin ni Ali at balitang mala-Face To Face ito ni Ms. Amy Perez sa TV5. Natural, dahil pareho ang tema, tatapatan din ng Siyete ang show ni Amy na “nagpataob” sa Love Ko Si Mister, Love Ko Si Misis.

Paghahandaan daw ito nang husto ng Kapuso station at gagawin nila ang lahat upang tapatan ang sikat na sikat nang programa ni Amy. Siyempre, alas daw nila si Ali na matagal ring nag-reyna sa telebisyon sa mga ganitong klase ng palabas.

Hindi naman dapat matinag ang Face To Face dahil may sarili na itong hukbo ng mga tagahanga at viewers. Maging sa ibang bansa ay napapanood na ito at dagsa nga ang e-mail na tinatanggap ng programa na lahat ay nagsasabing paborito nila ang show.

Kung mahusay si Ali, aba, magaling din naman si Amy bilang host at kampante na sa ganitong trabaho dahil marami na rin siyang nagawang mga programa sa TV bilang host.

Maganda naman ang mangyayari dahil mas pagbubutihin, mas pagagandahin at mas gagawing interesting ang mga topic ng mga away sa barangay ng Face To Face dahil heto nga’t may manggagaya na sa kanila at tatapatan pa sila.

Sey nung kapitbahay naming fan ng show ni Amy; ” Iba pa rin ang orig at ‘yun ay ang Face To Face!” Talbog!

MAAYOS NA NAGPAALAM si Wendell Ramos sa GMA-7 at pinayagan naman siya, kaya lipat agad siya sa naghihintay sa kanyang bagong TV station, ang TV5. Dapat lang naman na “layasan” na ng hunk actor ang dating istasyon kung saan ay halos 15 years din siyang nag-stay kung iisang programa lang naman ang ginagawa niya eh, ang dami-daming shows do’n, ‘noh!

Hindi naman pipitsu-ging artista si Wendell dahil Urian Best Supporting Actor siya, ‘di ba? Kaysa sa ibang mga talents ng Kapuso na mga “hamonado” naman sa akting, ba’t naiitsapuwera ang isang gaya ni Wendell na magaling na aktor. May palakasan talaga!

Ngayong nasa Kapatid Network na si Wendell ay pasok na siya sa programang Happier Together with Joey Marquez, Nova Villa at sangkatutak na starlet, balitang ipapasok din siya sa Babaeng Hampaslupa at isang magandang role ang ga-gampanan niya. Hindi naman kaya kainsekyuran si Wendell ng ibang artista do’n lalo na ‘yung mga pilit ang dating at pilipit ang akting?

Naku, wah na name names, ‘noh! Alam naman nung mga sinasabi namin kung sinu-sino sila. Sila ‘yung mga walang kadating-dating na nabigyan ng break pero hindi bagay sa kanila! Hay…marami sila do’n, pramis!

May palakasan din? Hahaha!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

7 thoughts on “WENDELL RAMOS, MAS BONGGA ANG CAREER SA SINGKO KESA SA SIYETE!

  1. Too bad i can't go live streaming anymore coz our cable provider will cap internet users and impose overage fees which is coming pretty soon. According to my son, the shows i watch average about 2gb per episode. Hindi ko na pwedeng panoorin ang ibang shows ng TV5 sa internet. :-(

  2. d n ksi nabigyan ng break sa gma hanggang bubble gang na lang tagal na nito,nalampasan na ni eric fructuoso,napanood ko tong face to face,nairita ako ang iingay nila sigawan ng sigawan,nkakabadtrip ng day,echoss

  3. tama ka meron mga walang dating…sana lang walang palakasan kasi mataas ang pagtingin ko kay mvp, gusto ko maging katulad niya one day…hmmmm

    sana si diane medina mabigyan ng break may dating siya at magaling mag-emote…

    no name names na lang talaga dahil obvious kung sinu-sino sila…

Leave a Reply

Your email address will not be published.