Welder, todas sa kuryente

PATAY ANG ISANG lalaki nang aksidente itong makuryente habang nagkukumpuni ng drum ball sa kanyang pinagtatrabahuhan kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Wala nang buhay nang idating sa Tondo General Hospital sanhi ng pagkakakur-yente ang biktimang si Renato Tompong, 36, stay-in welder, ng Giant Concrete Mix na matatagpuan sa Lapu-Lapu Street Bgy. North Bay Boulevard South, Navotas City .

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa naturang lugar habang ang biktima ay nagkukumpuni ng drum ball sa lagayan ng tubig ng aksidenteng madikit ito sa live wire.

Dito, hindi napansin ng biktima ang live wire at nahawakan nito na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Agad naman dinala sa nasabing pagamutan ang biktima ng kanyang mga kasamahan subalit hindi na rin ito umabot nang buhay. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.