Welder, patay sa inunahan sa puwesto ng tulugan

PATAY ANG ISANG welder matapos pagtatagain ng kasamahan na laging inuunahan sa puwesto ng tulugan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga taga sa leeg at katawan si Ricky Boy Baldugo, 23 ng BMBA Cmpd., 2nd Avenue ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Dennis Ladiao, 32 ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-8:30 ng gabi, matutulog na sana ang suspek subalit naunahan na naman siya sa puwesto ng biktima.

Sa buwisit ng suspek ay kumuha ng jungle bolo at pinagtataga ang natutulog na biktima bago tumakas.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.