Welder, dinayo ng kaaway para patayin

PATAY ANG ISANG welder matapos pasukin at barilin sa loob ng bahay nang dumayong kaaway ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si William Badadilla, 36 ng Sampaguita st., Maligaya Park, Camarin ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Ricardo Dela Cruz Jr., nasa hustong gulang ng Moriones, Tondo, Manila.

Sa ulat, alas-9 ng umaga, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin at putukan ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.                                           (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.