Wedding rites of Aga Muhlach’s brother turned ito Muhlach clan reunion


“HISTORY ITO SA Muhlach clan, dahil ngayon lang kami nakumpleto,” Ito ang ilan lang sa magagandang salita na parte ng speech ng movie icon ng Philippine cinema na si Amalia Fuentes sa kasal ng kanyang paboritong pamangkin daw na si Albert Muhlach na nakababatang kapatid nina Aga at Arlene Muhlach sa napakalaking farm ng mag-amang Alex at Niño Muhlach sa Barangay Mabini, Lipa City sa Batangas nu’ng Linggo, May 22, ng hapon.

Simple ngunit napakasaya ang ginanap na Christian wedding nina Albert at girlfriend nitong si Nikki Reyes.

Present s’yempre ang Kuya ni Albert na si Aga bilang Best Man, asawa nitong si Charlene Gonzalez at kanilang kambal na anak na sina Andres (Bible bearer) at Atasha (flower girl). Kasama rin ng kanyang Ate Arlene (na nagbasa ng First Reading) ang kanyang mister at mga anak. Hindi rin puwedeng mawala ang kanilang ama na si Cheng Muhlach.

Naroon din ang panganay na anak ni Aga kay Janice de Belen na si Igi Boy Muhlach na isa nang ganap na chef, kasama ang kanyang buntis na asawa at kanilang unang anak.

Ang mga nagmamay-ari ng farm na pinagganapan ng kasal at reception na sina Alex at Niño ay saksi rin sa pag-iisang dibdib ng groom at bride. Alagang-alaga ng dating child wonder ang kanyang anak.

Kumpleto rin ang pamilya ng Albert at Liezl Martinez, with their three children—Alyanna (veil sponsor), Alfonso and Alyssa (bridesmaid)—were also at the occasion.

Nakita rin namin sa kasal ang ilan sa half-siblings nina Aga, Arlene at Albert, gaya nina Almira Muhlach at AJ Muhlach. Pero hindi namin namataan ang asawa ni Almira na si Paul Alvarez.

Sinalubong ng magkapatid na Alex at Cheng ang kanilang nakatatandang kapatid na si Tita Nena (tawag sa veteran actress ng kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz) habang papalapit pagkababa ng kanyang sasakyan bago ito pinasama sa pila ng entourage kung saan s’ya ang kasamang naglakad ng groom at father of the groom sa harapan ng pastor, kaya sobrang touched ang Tita ni Albert sa ginawang pagpapahalaga sa kanya ng pamangkin.

Naikuwento ni Tita Nena na parang tunay na anak ang trato n’ya kay Albert nu’ng baby pa ito, dahil wala raw s’yang anak na lalaki, kundi si Liezl lang. Hanggang sa kinuha na raw ni Cheng sa kanya si Albert nu’ng four years old ito.

Papunta sa pila ng members ng entourage, magkasunod na lumapit at humalik sina Liezl, Charlene at Aga kay Amalia. Matapos bumati, sinabi ng Movie Queen sa pamangkin na pinanood n’ya ang In The Name of Love.

Nagka-tsikahan din sa pila, bago mag-umpisa ang seremonya, sina Amalia at isa sa principal sponsors at isa sa best friends ni Aga na si Willie Revillame. Narinig naming biniro ng Elizabeth Taylor ng Pilipinas ang controversial TV host-actor-singer na bakit si Tita Annabelle Rama lang daw ang pinahihiram nito ng kanyang yate. Hihiramin n’ya raw ‘yung yate ni Willie para sa pagpunta n’ya sa kanyang resort sa Tali Beach sa Batangas. Tawanan nang tawanan ang dalawa habang nagkukuwentuhan.

Habang nagbibigay ng mensahe para sa mag-asawang Albert at Nikki, inabot ni Willie ang red envelope sa dalawa bilang regalo na malamang ay tseke ang nakalakip. Nagbiro ang sikat na TV host na isang milyon daw ‘yon at sabay sabi pa kay Aga na ibigay na lang daw sa kapatid ang kotseng Mercedes Benz na iniregalo nito sa kaibigan, kaya naghagalpakan sa tawa ang mga bisita. Naikuwento rin ni Willie na nu’ng nag-uumpisa pa lang daw sila ni Aga sa showbiz, si Albert ang utusan ng dalawa sa bahay na pareho nilang tinutuluyan.

Nakapanghihinayang lang na hindi na nasaksihan ng kanilang dakilang ina na si Anita Muhlach, na may ilang taon na ring suma-kabilang-buhay, ang pagpapakasal ng isa pa n’yang anak na lalaki.

Ilan sa mga celebrity guests na napansin namin ay sina Joross Gamboa, Bayani Agbayani at asawang si Lenlen at dalawang anak nilang babae, mag-inang Nadia Montenegro at Ynna Asistio, Luis Alandy, at Joyce Bernal na nagsilbing host ng programme.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.