Website ni Sen. Sotto, Na-Hack

NAGPARAMDAM NA naman ang grupo ng mga kontra-Cybercrime Law na nangha-hack ng mga website ng mga ahensiya at opisyal ng gobyerno.

Pinakahuling inatake ng nasabing hacker na nagpakilalang “Anonymous” ang website mismo ni Senator Vicente “Tito” Sotto III na tumanggap ng kaliwa’t kanang batikos sa pagsisingit umano ng probisyong libel sa batas.

Base sa tweet ng isang #pR.is0n3r na miyembro ng “Anonymous”, nakalagay ang “#JunkCyberCrimeLaw We are anonymous! titosotto.com”

Ala-1:00 ng madaling araw kamakalawa, ito ang nakitang mensahe ng hacker sa website ng mambabatas.

Kahapon ng umaga, “Website Under Construction.” na ang makikita sa http://www.titosotto.com.

Samantala, una nang itinanggi ng senador na isiningit niya ang probisyong libel sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Hindi siya natatakot sa mga tinaguriang hacktivists dahil matibay ang firewall ng kanyang website, ani Sotto.

“Hayaan mo sila, hindi natin pinag-aaksayahan ng oras ‘yang mga ‘yan… Iyong firewall ko, medyo matibay. Pero magandang masubukan na iyong nilagay ng mga bata ko.”

Maaalala na pinigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng Cybercrime Law sa pamamagitan ng 120 araw na termporary reastraining order (TRO).

Nakatakda naman ang oral arguments ng Supreme Court sa batas sa darating na Enero 15.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.