Website ni P-Noy, Na-Hack

HINACK NG grupong nagpakilalang “Anonymous Philippines” ang isang page sa website ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na http://1.president.gov.ph/.

Kinondena ng naturang hackers ang pagsasabatas ng Anti-Cybercrime Law, gayundin ang anila’y maling pagresolba ng gobyerno sa krisis sa Sabah.

Para sa kanila, nagkukulang ang Pangulong Aquino sa paghawak sa isyu ng bakbakan ng Sulu Royal Army at Malaysian Police.

Binigo rin anila sila nito sa hindi pag-aksyon laban sa Malaysian hackers na unang umatake sa mga website ng bansa.

Sa huli, binigyaang-diin ng “Anonymous Philippines” na patuloy silang nagmamatiyag sa mga aksyon ng kasaluku-yang administrasyon.

Tiniyak naman ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma na wala nang iba pang website ng Pangulo ang nakompromiso.

Dinagdagan na rin aniya nila ng protection measure ang na-hack na website.

Inaasahan aniyang mai-babalik na anumang oras ang na-hack na http://1.president.gov.ph/.

Binanggit nito na dakong ala-1:30 ng madaling-araw kahapon nang ma-detect nila ang hacking.

Samantala,matapos ata-kehin ang official website ng Office of the President ng mga tinaguriang “hacktivists”, karagdagang government portals pa ang sinabotahe ng nasabing grupo.

Sinabotahe na rin ng grupo ang mga websites na:http://www.gdelpilar.gov.ph/, http://www.calasiao.gov.ph/, http://bolinao.gov.ph/, http://mauban.gov.ph/, http://apayao.gov.ph/ at http://www.mauban.gov.ph/.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.