WEBB, ET AL MALAYA NA

MATAPOS ANG 15 taon, pinawalang-sala ng korte suprema si Hubert Webb at ang lima pang kasamahan na konektado sa Vizconde massacre case kahapon ng umaga.

Ayon kay administrator at spokesman Jose Midas Marquez, bigo na mapatunayang may kasalanan ang mga nasabing akusado.

Pito sa mga hurado ang bumoto para sa pagpapalaya sa grupo ni Webb at apat lang dito ang hindi pabor.  Kinukuwestiyon din ang mga testimonya noon ng pangunahing witness na si Jessica Alfaro.

“Jessica Alfaro is an NBI (National Bureau of Investigation) agent, not really an eye witness. There were also suspicious details showing inherent inconsistencies, all corro-boration cannot be relied on… In all, there is reasonable and lingering doubt on the guilt of the accused,” ani Marquez.

Maliban kay Webb, pinawalang-sala rin ng Mataas na Korte sina Antonio Lejano II, Michael Gatchalian, Miguel Rodriguez, Peter Estrada, Hospicio “Pyke” Fernandez.

Iniutos ng mataas na korte sa Bureau of Corrections (BuCor) na palayain ang mga akusado sa lalong madaling panahon.

Sinabi pa ni Marquez na hindi bahagi ng nasabing ‘acquittal’ ang dalawa pang akusado na sina Joey Filart at Artemio Ventura, na hindi naaresto at patuloy na nagtatago.

“No proceedings were held against them, no motion for reconsideration can be filed otherwise it is tantamount to double jeopardy.” Ani Marquez.

Masamang-masama naman ang loob ni Lauro Vizconde matapos malaman ang naging desisyon ng Korte Suprema sa mga pumatay sa kanyang mag-iina.

Pinabulaanan naman ng Korte Suprema ang mga alegasyon hinggil sa “money changed hands” para sa paglaya ng mga akusado.

Matibay na ebidensiya na wala diumano si Webb sa bansa nang mangyari ang masaker at lumalabas na idiniin lang ni Alfaro ang grupo ni Webb sa krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.