Water cannon incident, kinondena ng US

KINONDENA NI US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang pagbomba ng tubig ng mga barko ng Tsina sa mga Pinoy na mangingisda sa Panatag Shoal.

Inihayag ni Golberg na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng Beijing sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Hinggil dito, muling tiniyak ni Goldberg ang pagsuporta sa Pilipinas para sa legal na paraan ng pagresolba sa territorial dispute sa Tsina, partikular ang pagdulog sa international tribunal.

Nabatid na naghain na rin ng protesta ang bansa kasunod ng water cannon incident sa Panatag Shoal.

Ang Estados Unidos kasama ang ilang Western countries ay naalarma sa pagpatupad ng Tsina ng bagong batas sa pangingisda sa South China Sea na inaangkin nito at pagdeklara ng Beijing ng air defense zone sa East China Sea kung saan saklaw ang pinag-aagawan nilang teritoryo ng Japan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.