‘Water cannon incident’, iprinotesta ng DFA

IPRINOTESTA NG Department of Foreign Affairs (DFA) ang pambobomba ng water cannon ng Chinese coast guard sa mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough Shoal.

Ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc ay bahagi ng Zambales, pero kabilang sa mga inaangking lugar ng Tsina base sa kanilang 9-dash line map.

Sinabi ni DFA Spokesperson Raul Hernandez na ipinatawag na nila ang chargé d’affaires ng Chinese Embassy sa bansa.

Sa natanggap aniya ni-lang report, dalawang fishing boats ng bansa ang nakaengkwentro ng dayuhang coast guard vessel noong Enero 27.

“The Chinese vessel continuously blew its horn and thereafter doused the [Philippine] fishing vessels with water cannons for several minutes.”

Iginiit ni Hernandez na mariing tinututulan ng DFA ang ganitong pagtrato sa mga Pinoy na maituturing na harassment.

Isiniwalat din ng DFA na hindi ito ang unang beses na hinarass ang mga Pinoy fisherman sa sariling teritoryo nito.

Giit pa ng DFA, bahagi ng bansa ang lugar at may karapatan ang mga Pilipino na pumasok at mangisda roon.

Muling panawagan nito sa Tsina, “We call on China to respect our sovereignty.”

Una nang inireport ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang water cannon incident sa Scarborough pero iginiit ng tagapagsalita ng Tsina na wala silang nalalaman sa mga pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.