Watchlist vs ex-FG Mike Arroyo, binawi na ng DOJ

BINAWI NA NG Department of Justice (DoJ) ang ipinatupad na watchlist order (WLO) laban kay dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ito’y matapos magpadala ng pormal na liham si Senate blue ribbon committee chairman Teofisto Guingona Jr. na siya ring nagrekomenda ng nasabing watchlist dahil sa pagkakadawit ng dating Unang Ginoo sa pagbebenta ng second-hand choppers sa Philippine National Police (PNP) para sa bagong-bagong presyo.

Wala nang sagabal para tanggalin ang kanilang kautusan dahil ang naturang liham lang naman talaga ang kanilang hinihintay matapos una nang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) laban sa kanilang WLO, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.

Nakasaad din sa nasabing liham ni Guingona na hindi na nila ipatatawag si Arroyo sa mga Senate inquiry bunsod ng pahayag ng doktor nito na maaaring makasama ang anumang matinding pressure sa kalusugan ng dating Unang Ginoo.

Sa kabila nito, ang iba pang laman ng petisyon ng kampo ni Arroyo ay nakabinbin pa rin sa Korte Suprema, tulad na lamang ng hirit na pagbasura sa kapangyarihan ng DoJ na magpairal ng WLO at hold departure order. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.