Watch out for ‘Only You’ on April 27! (with Full Video Trailer)

Ang ‘Only You‘ ay mapapanood na sa Kapamilya network sa darating na April 27, 2009.  Sa Korea pa ginanap ang shooting ng Pinoy version ng patok na patok na Koreanovelang Only You. Papalitan nito ang I Love Betty La Fea sa ABS CBN Primetime Bida at pangungunahan ito ng tatlong pinakasikat na young actors ngayon tulad nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo.

Malaking ginahawa naman ang pag-release ng airing date ng Only You sa mga Angel fans dahil matanggal nang nawala sa mata ng publiko, lalo na sa primetime television, ang seksing aktres.  Excited rin naman ang fans ni Sam Milby dahil maipapares na siya sa ibang girls, hindi na lang lagi si Anne Curtis at Toni Gonzaga. Bagay na bagay rin ang role ni Sam Milby sa kanya dito sa teleseryeng ito, kaya’t kahit hindi naman siya ganon kagalingan umarte, ay kering keri naman niya siguro ang role na ito. Si Diether Ocampo naman ay inaabangan rin ng madla dahil sa magaling na pagganap niya sa Iisa Pa Lamang.

Ito ang mga Cast of Characters ng Only You.

Cast & characters
* Angel Locsin bilang Jillian
* Sam Milby bilang TJ
* Diether Ocampo bilang Jonathan
* Iya Villania bilang Trixie

Supporting cast
* Nash Aguas bilang Joshua
* Al Tantay bilang Jillian’s dad
* Irma Adlawan bilang Jillian’s mom
* Tirso Cruz III bilang TJ’s dad
* Dimples Romana bilang TJ’s sister
* Candy Pangilinan bilang Trixie’s mother

loading...

2 thoughts on “Watch out for ‘Only You’ on April 27! (with Full Video Trailer)

Leave a Reply

Your email address will not be published.