Watch List Order vs Arroyos, dinulog sa SC

 

DUMULOG KAHAPON SA Supreme Court (SC) ang mga abogado ni dating Pangulong Gloria Arroyo para kuwestiyunin ang ginagawang pagpigil ng Department of Justice (DoJ) sa kahilingan nitong makabiyahe sa labas ng bansa.

Una rito, inihayag ni Elena Bautista-Horn, spokesperson ng dating pangulo, na wala na silang nakikitang pag-asa na magiging patas ang DoJ sa pagtugon sa kahilingan ng former president kung kaya’t dumulog na umano sila sa legal arena.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni former First Gentleman Mike Arroyo, binigyang-diin nito na pagmamalabis na umano sa kapangyarihan ng DoJ ang ginagawang pagpigil sa dating pangulo na ma-kabiyahe.

Maliban sa SC, hihingi rin ng tulong sa Commission on Human Rights ang mga Arroyo laban sa DoJ.

“Dudulog din po kami sa Commission on Human Rights. Dahil ito (watchlist order) ay malinaw na paglabag sa karapatang-pantao ng dating First Gentleman Mike Arroyo,” dagdag pa ni Topacio.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.