Was advised by doctor to take a rest: Derek Ramsay has fractured bone on his shoulder

 

PINAGPAPAHINGA SI DEREK Ramsay ng kanyang doktor dahil bukod sa problema sa tuhod ay may problema na rin ngayon ang kanyang balikat.

“Masakit kasi itong balikat ko at lumihis ang mga buto ko,” pahayag ni Derek.

Ipinakita sa amin ni Derek ang bagong problema sa kanyang katawan. Nakausli ang mga buto niya sa balikat.

“Masakit ito lalo na sa umaga. Ang sabi ng doctor, kailangang matignan kasi baka lumala. Pero feeling ko, lalong lalala ito kung patitigilin ako sa sports ko. Alam n’yo naman, ito lang ang libangan ko,” tumatawang pahayag ni Derek nang dalawin namin siya sa Ultra habang nagpa-practice ng Frisbee.

Nilinaw naman ni Derek na hindi totoong may lihim silang relasyon ni Erich Gonzales. Pero hindi ikinaila ng aktor na dinala niya ang dalaga at ipinakilala sa kanyang ina.

“Paborito kasi siya ng mommy ko. Pero hindi ibig sabihin noon, e, kami na. Magkaibigan lang kami ni Ercih at naging close kami nu’n sa Magkaribal.”

Sa kabilang banda, totoo palang magkakaroon nga ng kissing scene sina Derek at Vice Ganda sa pelikulang pagsasamahan nila.

“Nabasa ko na ang script at natuwa naman ako kaya ko tinanggap. At wala naman akong nakikitang masama kung meron man,” sabay halakhak nito. “Maganda ang story at malaki ang tiwala ko sa aming direktor.”

Ayon kay Derek, ngayon lang niya gagawin ‘yung mga eksenang hinihingi sa magiging pelikula nila ni Vice.

“Masaya, ngayon pa lang naaliw na ako. Gusto ko siyang gawin kasi parang ang gaan-gaan. I mean, comedy love story ang tema ng movie at hindi lang si Vice ang excited, ako excited din talaga dahil first time ko itong gagawin,” binirahan ng masasayang halakhak ng aming kausap sa kanyang pagwawakas.

 

SA TOTOO LANG mas exciting siguro ang The Biggest Loser kung kasama sa contestant si Sharon Cuneta at hindi siya ang host ng nasabing bagong programa ng Dos. Feeling namin, mas panonoorin ang nasabing show kumpara sa Amaya ni Marian Rivera, kung si Shawie mismo ang mapapanood kung paanong tinatanggal niya ang mga fats sa kanyang katawan.

“Kung si Sharon ang contestant? Well sad to say ilalampaso nang milya-milya ang Amaya ni Marian, kasi curious ang mga tao kung kaya pang papayatin si Sharon,” sey ng aming kausap.

Sabay ang date na launching ng Amaya ni Marian at ng The Biggest Loser nina Sharon at Derek. Marami ang nag-aabang kung sino sa dalawang bagong programa ang panonoorin ng mga tao.

“Baka mas piliin ng mga tao ang Amaya kasi bago ang idea at epic ang drama nila, compare sa The Biggest Loser na kopya lang sa Amerika, ‘di ba? Pero sabi ko nga, kung si Sharon ang makikitang nagpapayat du’n sa show, tiyak na mas marami ang manonood sa kanila. Baka kumain ng alikabok ang Amaya.”

 

MUKHANG UUSOK NA naman ang away sa pagitan nina Gladys Reyes at Judy Ann Santos dahil sa gatas na kanilang ine-endorse. Si Juday ay ang gatas na ang tagline ay “Panatag”, samantalang ang kay Gladys ay “Sarap-Sustansiya”.

Ewan, pero may nagbulong sa amin na noong hapon na iyon sa presscon ng bagong gatas na ine-endorse ni Gladys, ang Brand X na kanilang ginamit ay ang gatas na ine-endorse ni Juday, kung saan mas marami ang nagkagusto sa Brand Y ni Gladys.

Sinabi naman ni Gladys na walang away sa pagitan nila ni Judy Ann. Ang posibleng magsalpukan lang talaga ay ang mga gatas na ine-endorse nila dahil parehong pambata nga.

“Mga matured na kami ni Judy Ann at hindi na kami paaapekto pa sa mga ganyang intriga.”

 

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

14 thoughts on “Was advised by doctor to take a rest: Derek Ramsay has fractured bone on his shoulder

  1. sino gusto nyo patulan ni Derek, kayo? eh mga sidecar boy nga di kayo papatulan wag nga kayo mag ilusyon. mag laba na lang kayo ng mga basahan at trapo ng paa dahil alam ko yan ang mga gamit nyong tuwalya after maligo

  2. sa dinami-dami nman ksi ng magiging gf eh si angelicang dyologs na echo derecho ang body at no breeding pang napili eh……love is blind talaga! I agree, angelica cheapens derek’s image, ksi sosy sana si derek kng sa ka-level nya siya pumatol at na-link , the likes of solenn, kc concepcion etc. Just my opinion, no violent reactions pls:)

  3. before i like derek but now no more  kasi inconsistent cya pag cya yong interview ng mga press regarding sa kasal…..poor angelica feeling na kasi cya ang pakakasalan  wahahahahah

  4. BAGAY TALAGA C DEREK RAMSAY NA GURANG AT SAKANG AT YUNG LIVE IN PARTNER NYANG IMORAL NA PUTA AT WALANG PINAG-ARALANG C ANGELICA PANGANIBAN. PAREHO CLNG USER AT PUBLICITY HUNGRY. KADIRI CLA PAREHO. TSAK YUNG FRISBEE EH LARONG ASO LNG YUN! SABAGAY MUKHA NMANG ASKAL C DEREK EH BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  5. as far as derek is concern,wag nalang ma isecure si angelica kasi sa kanya nman si derek eh,wag nlang bigyan ng masama ang pag papakilala ni derek kay erich sa mama nya.

  6. i love derek very much great actor very humble very good looking very hot!! galing nya sa biggest losser galing nyang game master! congrats derek! may movie din syang gagawin with cristine and ann curtis! panalo ka tlga derek! ingatan mo si angelica i love angelica too wish you both d best!

  7. SANA WALANG CANCER SI DEREK.KUNG MAYROON MAN SANA AMININ NA LANG PARA IPAGDASAL SIYA NG TAO.HINDI NAMAN NAKAKAHIYA YUN.HINDI NAMAN AIDS YUN.

  8. kung ako kay angelica magpaka busy na lang sya sa pandudukot kay derek. kaya ayaw sa kanya ng mga maulang ni derek kasi palagi na lang nya pinapahiya si derek sa mga interview nya. palengkera…

  9. hi there mga bekis, i used to like Derek, kasi ok naman talaga siya as a person, pero angelica is pulling her down…. kasi si angelica sumobra sa pagka confident sa sarili nia as if siya na ang pinakamaganda  at ang mga pananalita hindi kagandahan…you can read between her lines na kahit ganun siya tapang tapangan eh napakalaki parin ng insecurities nia sa buhay.. aminin man niya o hindi…kitang kita yan the way she carries herself. as for derek,,pwede ba ipaayos mo yung teeth na hindi naman halatang halata na PUSTISO at any monument eh malalaglag sa lupa kaling sa bibig mo… eeew…

    yun lang muna for now…hello morly 

  10. hoy derek pakisabihan mo nga yang syota mong low class at walang breeding na manahimik. ikaw na rin ang nagsabi sa BUZZ na 1 year ago pa na nameet ni Erich ang magulang mo at ang mismong mother mo ang nagrequest sayo na makilala nila si Erich, eh bakit galaiting galaiti yang dyoya mong echo derecho ang katawan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.