Warning: Wala akong Facebook account!

NAKA-LUNCH KO KAMAKAILAN lang ang may-ari ng Flawless na si Ms. Rubby Sy para magkatsikahan lang.

Kapag may mga isyung napag-uusapan namin, kaagad maglalabas sila ng iPAD nila para mag-check ng kung anong isyung napag-usapan.

Aba, ‘Day! Tiningnan ni Shirley Pizarro ang Facebook niya, na-check niya na meron din pala akong Facebook account doon.

Naloka ako! Hindi nga ako marunong mag-text, magkalkal pa ng computer! Tiningnan ko ‘yung facebook account ko raw. Ang daming nagpadala ng mga message du’n na karamihan naman gustong mag-artista.

Mabuti na lang at nag-post din du’n si Jojo Gabinete na fake ang Facebook account na ‘yun. Kaya siguro, titigil na sila sa kapapadala ng message du’n.

Ang inaalala ko lang, baka mamaya gamitin pa nila ‘yun para mapagkakitaan nila. Baka mamaya harbatan pa ‘yun ng kung sino mang gumawa ng account na ‘yun sa Facebook at pangalan ko ang nagagamit.

Kaya sa mga nagpi-Facebook, huwag na huwag n’yong patulan iyang Facebook account ko kasi hindi po akin ‘yun.

Never akong magka-Facebook kahit iyang Twitter na ‘yan dahil hindi ko talaga type at wala akong panahon ‘no!

Hindi pa nga ako marunong magkalkal ng cellphone ko, iyan pang mga Facebook na ‘yan!

NABANGGIT NA RIN lang iyang Twitter na ‘yan, sa tingin ko talaga, ang laki ng nagagawa ng Twitter na iyan para magkasira-sira ang mga magkakaibigan.

‘Di ba nagkademandahan na sina Cristy Fermin at Chokoleit dahil sa mga naglalabasan sa Twitter account ni Chokoleit?

Ang malaking gulo ngayon, itong away nina Claudine Baretto at Angelica Panganiban na nagsimula rin sa Twitter. Hay, naku! Kaya sinasabi ko sa mga anak-anakan ko, huwag na silang mag-Twitter-Twitter na iyan!

Nananatiling tahimik ngayon si Claudine pagkatapos maglabas ng demand letter ng abogado ni Angelica Panganiban.

Binigyan ito ng palugit na 7 days na kung hindi niya ire-retract ang mga sinabi niya, mapipilitang magsampa ng demanda si Angelica.

Bale ngayong araw na iyang seventh day kaya hinihintay na lang kung itutuloy ba ni Angelica ang pagpa-file ng demanda.

Sinabi naman ni Raymart Santiago na pag-uusapan na nilang magkakaibigan na maayos ito sa mahinahong paraan, kaya sana maayos nga at hindi na umabot sa demandahan.

Nagkaroon ng event si Dra. Vicki Belo nu’ng kamakalawa ng gabi, kung saan pinasinayahan nito ang inayos niyang Cancer Treatment room ng mga batang cancer patients sa Philippine Children Medical Center at isa sa inimbitahan ay si Claudine, pero hindi ito sumipot.

Siguro umiiwas na lang siya sa mga reporter na nandu’n para hindi na siya matanong tungkol sa isyu nila ni Angelica.

Bilang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Claudine, nagpahayag si Dra. Belo ng suporta niya sa aktres. Pero hindi pa raw niya ito nakakausap at sadyang itinatago raw muna ni Claudine ang sarili niya, na wala muna siyang makakausap na ibang tao. Kaya nirerespeto muna nila ang pananahimik nito.

Pero sana, maayos na nila ito at hindi na lumaki pa at magkademandahan! Ang nakapanghihinayang daw dito ay ang magandang friendship nila na nasira nang dahil lang sa Twitter na ‘yan, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Warning: Wala akong Facebook account!

  1. Claudine is a one proof of a looser. She’ll make any scene just to get attention. Desperada Queen should be the new title given to her. Eh di supalpal siya after the revelation of Mrs. Martin. She’s one of the plasticada in showbiz aside from Sharon LumbaLumba. Kunwari christian pero demonya pala ang mga ito. How many times na nga bang nag pa abort itong si claudine? Feeling kasi sikat pa kaya kahit na makipaglaplapan kay Richard G. gagawin eh super flop naman ang film niya. Accept the fact girl that laos ka na and people need younger, fresher looking artist like Angelica who is wooing with sex appeal. Ikaw, pang mga tiyahin at nanay na lang ang role. Ikaw na ang next bella flores ng movie industry. Say mo MALANDI!

  2. HAHAHAHAHA PARA MAPAG USAPAN LAHAT GAGAWIN NI CLAU CLAU WALA NA KASING CAREER WAWA NAMAN NYA NOH? PATI BA NAMAN MUKHANG PAA NA MARTIN NA YAN MAESKANDALO PA DAHIL LANG SA KANYA ANO BA YAN DESPERADA NA TALAGA

  3. kung ano ‘yung pag-iingay ni claudine noong hindi kumikibo si angelica eh siya namang tahimik ngayon ni claudine ‘nung bweltahan siya ni Mr M at baligtarin ni Mrs Castro ang istorya niya!

    ngayon claudine, bakit hindi mo ituloy ang demanda mo? ‘di ba sabi mo kahit asawa mo or si Mr M eh hindi ka mapipigil? bakit hindi mo ituloy ang demanda at ituloy mo ang pagiingay? noong talak ka ng talak eh tahimik ang asawa mo! ngayon binigyan ka ng ultimatum saka naman kikilos ang asawa mo para ayusin ang lahat sa mahinahon na paraan “daw?”

    natakot ka ba na mabunyag ang katotohan na gawa-gawa mo lang ang lahat? na ikaw ang SINUNGALING at hindi si angelica? na ginamit mo lang si angelica para sa promo ng pelikula mo? ganyan ka na ba ka-desperada para gamitin mo ang mga taong nananahimik?

    si angelica, ayon kay Mr M, ay fiesty, etc., but not a LIAR! may LAMAN ang salita ni Mr M ano? ibig bang sabihin niyon eh IKAW CLAUDINE ang LIAR?

    noong lumipat si ANGEL L. sa dos eh inaway-away mo rin dahil natatabunan ang kasikatan(?) mo!at ang pinalalabas mo eh si ANGEL ay nag-umpisa ng lahat? siguro nga may problema ka sa “utak?” … unsolicited advice, bakit hindi ka magpatingin sa psychiatris?

    nagalit ka sa ate gretchen mo dahil tinanggap ang niya “magkaribal?” ‘di ba dapat nga matuwa ka dahil meron siyang pinagkaka-abalahan?

    EWAN KO SA ‘YO? ANG DAMI KO PANG DAPAT SABIHIN SA PAGIGING LUKA-LUKA MO, pero baka maging nobela ang comments ko!

    magsisi ka na sa mga pinaggagagawa mo para naman maging matagumpay ka!

  4. Malandi talaga ang Claudine na to. Gaya ng sinabi ng asawa ni Martin sa The Buzz, eksenadora raw ang Claudine nung my party, at 30 times a day daw kung tumawag ang Claudine ky Martin na mukha namang paa. claudine di na babango ang pangalan m0.

Leave a Reply

Your email address will not be published.