War of the Words

<strong>Walang katapusang demandahan ni Annabelle at Nadia</strong><br> ANG AWAYANG Annabelle Rama at Nadia Montenegro na nga ang maituturing naming nangunguna sa aming countdown sa “War of the Words”. Gusto kasing i-release na ni Nadia ang kanyang mga anak sa management ni Anabelle, kung saan pinagtatrabaho raw nito ang mga menor de edad niyang anak. Child abuse, oral defamation, at falsification of documents, ang mga kasong isinampa ni Nadia laban kay Annabelle. Doon na nagsimula ang mahabang labanan sa korte nina Annabelle at Nadia. Nagsampa rin ng mga kaso si Annabelle laban kay Nadia na diumano’y malaki ang utang sa kanya at naaawa lang ng tinanggap niyang i-manage ang mga anak nito. Mukhang mahaba-haba pa nga ang itatakbo ng awayang ito na tila wala sa kanila ang gustong magback-out. Naku! Makakatiyak kayo na susubaybayan namin ‘yan, mga kaparazzi.

Picture 1 of 5

By Janelle dela Cruz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.