Wanted Sa Rape; Kano, Pinade-deport ng BI

NAKATAKDANG IPA-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikano na wanted sa kasong panggagahasa sa Estados Unidos.

Kinilala ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang pugante na si Robert Joseph Manship, 58-anyos, na kamakailan ay naaresto ng mga elemento ng fugitive search unit ng BI sa Maasin City, lalawigan ng Leyte.

Si Manship ay suspek ng mga kinauukulan sa New Hampshire dahil sa sexual assault.

Kaugnay nito, kumilos na ang ahensiya upang arestuhin ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Hillsborough County superior court noong Mayo 14.

Kasalukuyang inihahanda na ng nasabing ahensiya ang pagpapa-deport sa nabanggit na dayuhan dahil din sa pagiging undocumented alien nito at pagkakaroon ng expired na passport.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.