Wanted sa Panghahalay sa Menor de Edad, Arestado

MAKALIPAS ANG mahigit sa dalawang taon na pagtatago sa batas sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad, nadakip na ang suspek ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection team kamakalawa ng gabi sa bayan ng Angat, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Monico Dacayona kay P/S Supt. Rudy Lacadin Regional Officer-3 ng Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ang suspek na si Joel de Guzman Y Tigas, 44 anyos, binata, residente ng Brgy. Binagbag; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Nica,15 anyos.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng gabi nang arestuhin ng mga pulis ang suspek, hawak ang warrant of arrest na may cc.479 -M-2010 sa kasong Rape in relation to RA 7610 na ipinalabas ni Br-77 RTC Judge Rolando Bulan.

Nabatid na 13 anyos pa lamang ang biktima nang halayin umano ito ng manyakis na kapit-bahay.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.