Wanted sa Panggagahasa sa Isang Ginang, Arestado

TIYAK NA pagdurusahan ng isang rapist sa loob ng bilangguan ang ginawa nitong panghahalay sa isang ginang makaraang maaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng Warrant of Arrest order na ipinalabas  Caloocan Regional Trial Court kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni CIDG Chief P.Chief Insp, Marlon Santos ang naarestong suspek na si Joel Gotona, 40, may-asawa, at residente ng # 57 Borrio San Lazaro, Tala, Caloocan City.

Ayon kay Chief Insp, Santos, si Gotona ay naa-resto sa loob ng bahay nito dakong alas-6:20 ng gabi ng kanyang mga tauhan sa pamumuno ni SPO4 Edwin Rebiso sa bias ng ipinalabas na Warrant of Arrest ni Hon. Judge Thelma Canlas Trinidad-Pe Agguirre ng RTC National Capital Judicial Region Branch 129.

Nabatid na isang nag-ngangalang “Rita” ang dalawang ulit umanong pinagsamantalahan ng suspek sa loob ng bahay nito sa nabanggit na lugar at pagkatapos ay mabilis na tinakas ang biktima.

Dahil dito, kaagad na nagsampa ng 2 count of rape ang biktima laban sa nasabing suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office hanggang sa ito sa ito ay labasan ng warrant of arrest.

Ang nasabing akusado ay naaresto ng mga miyembro ng CIDG matapos ang limang taong pagtatago sa batas.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.