Wanted sa Murder, Timbog

MAKALIPAS ANG mahigit sa dalawang taon na pagtatago sa batas sa kasong Murder, nadakip na ng pinagsanib na puwersa ng Malolos Police ng Bulacan at Bay Police ng Laguna ang suspek.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Dave Poklay mula kay P/Insp. Melencio Nario, ang suspek ay si Richard Soriano Y Badaible, 24 anyos, binata, residente ng Brgy. Calo, Bay, Laguna.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-6:30 nang dakipin ang binata sa bisa ang warrant of arrest na ipinalabas ng Branch-21 ng Bulacan Regional Trial Court sa kasong Murder.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.