Wanted sa Arson at Robbery, Timbog

MAKALIPAS ANG mahigit sa dalawang taon na pagtatago sa batas sa kasong Arson at Robbery, nadakip na ito ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team sa pamamagitan ng “Oplan Pagtugis” sa San Jose del Monte City kahapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Rodolfo Santiago-ll kay P/Chief Supt. Farnk Uyami Jr, kinilala ang nadakip na suspek na si Joven Santilles Y Rio, 39 anyos, residente ng Blk-16, Lot-11, Phase C-I, Brgy. Mulawin FH.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Inspector Rey Martin at SPO4 Macadangdang, dakong alas-7 ng gabi nang madakip ang suspek habang nakikipaghuntahan sa kanyang mga kaibigan sa nabangit na lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas nina  Branch-11 RTC Judge Basilio Gabo Jr. sa kasong Arson at kasong Robbery sa sala naman ni Branch-7 RTC Judge  Danilo Manalastas.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa CIDG Detention Cell.

 (TONY DELA PEÑA)   

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.