Wanted sa 6 na Kaso ng Rape, Tiklo

MAKALIPAS ANG mahigit sa tatlong taon na pagtatago sa batas sa kaso ng panggagahasa, nadakip ang isang wanted ng mga awtoridad sa Brgy. San Vicente, Malolos City sa Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay Officer in Charge PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduña, kinilala ang nadakip na suspek na si Benito Vistan, Sr. Y Magsakay, 47-anyos, construction worker, at residente ng Banaban St., Brgy, Anilao.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, dakong alas- 5:30 ng hapon nang madakip ang suspek habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa nabanggit lugar.

Armado ng warrant of arrest na may cc. no. 3408 – 3413-M-09 sa kasong 6 counts of Rape na inilabas ni Executive Judge Ma. Theresa V. Mendoza-Arcega ang mga pulis nang dakpin ang suspek.

Nabatid na kabilang sa no.5 most wanted sa nabanggit na lungsod si Vistan, kung saan walang piyansang inerekomenda ang korte para sa kanyang kalayaan na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Malolos City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.