Wanted na U.S. national, arestado sa Taguig

ISA NA namang dayuhan ang naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Taguig City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang suspek na si Joe Don Johnson na isang U.S. national at wanted dahil sa securities fraud at money laundering.

Nagpalabas na rin ang BI ng warrant of deportation laban sa nasabing akusado matapos ipagbigay-alam sa kanila ng U.S embassy ang presensiya sa bansa ng suspek.

Una nang ipinag-utos ng BI Board of Commissioners ang summary deportation laban kay Jonhnson matapos mapag-alamang kinansela ng U.S. State Department ang pasaporte nito dahilan upang siya ay maging undocumented alien.

Mismong mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang mag-i-escort kay Johnson pabalik ng Estados Unidos, ayon pa kay David.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Wanted na U.S. national, arestado sa Taguig

Leave a Reply

Your email address will not be published.