Wanted na Mayoral Candidate sa Capiz, Nangunguna

NANGUNGUNA PA rin sa partial unofficial result ng botohan sa bayan ng Mambusao, Capiz sa pagka-alkalde si Leodegario ‘’Jun’’ Labao Jr. na suspek at-large dahil sa pagpatay sa dating bise-alkalde sa natu-rang bayan.

Base sa impormasyon, nangu-nguna sa karamihan na clustered precinct sa bayan ng Mambusao si Labao na merong 10,341 na boto, habang 6,348 naman ang boto na nakuha ni Sharon Martinez, anak ng pinaslang na bise alkalde na si Doc Abel Martinez.

Pinaghahanap hanggang ngayon si Labao ng mga awtoridad, dahil sa itinuturong utak sa pagpatay kay Doc Abel noong nakaraang taon.

Samantala, noon lamang nakaraang buwan, natakasan naman ni Labao ang mga kinauukulan na magsisilbi sana ng warrant of arrest habang ito ay naka-confine sa St. Paul’s Hospital sa Iloilo City.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.