Wanted na May Patung-Patong na Kaso, Arestado

NAGWAKAS NA ang masasayang araw ng isang sinasabing most wanted person na may iba’t ibang kasong kinasasangkutan makaraang maaresto ng mga awtoridad sa kanyang hide-out sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Si Richard Ramos y Susano, alyas “Ricky”, nasa hustong gulang, ng Village-5, Barangay 168, Caloocan City ay inaresto ng mga personnel ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police sa bisa ng Warrant of Arest na ipinalabas ng Caloocan City Prosecutor’s Office.

Base sa ulat ni Caloocan City Police Sr. Supt. Jude Wilson Santos, bandang alas-10 ng umaga nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Narra Street, Rainbow Village 5.

Napag-alamang si Ramos ay may mga kasong Robbery with Homicide at Robbery with Double Frustrated Homicide na ipinalabas ng Branch 121, RTC-Caloocan na may petsang Marso 23, 2010.

Si Ramos ay may kaso ring Attempted Homicide na ipinalabas ng Branch 81, Metropolitan Trail Court, Valenzuela City noong April 30, 2009 at paglabag sa PD 1866 na ipinalabas naman ng Branch 170, Malabon City  RTC noong June 1, 20911.

Bukod dito, si Ramos ang itinuturong suspek sa panghoholdap at pagpatay kay Ruben Merrera, officer-in-charge  ng Enviromental Sanitation Sevices (ESS) ng Caloocan City Hall at malubhang pagkakasugat sa asawa nito na si Jovita Morales-Merrera noong nakalipas na June 28, 2012.

Ang pagkakahuli kay Ramos ay nagresulta sa malawakang manhunt operation, surveillance at monitoring activity sa mga lugar sa Caloocan, Malabon City at Valenzuela City na ginagawang hide-out ng naarestong suspek na si Ramos.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.