Wanted na Magkapatid, Patay sa Shootout

ISANG MAGKAPATID NA tinaguriang most wanted person ang pawang napatay makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Jude W. Santos ang magkapatid na napatay na sina Willy Ramos alyas “Willy” at ang kapatid na si Eulogio, pawang nasa hustong gulang at residente ng Evergreen Village, Brgy. Deparo ng nabanggit na lungsod.

Base sa report na ipinarating ni Sr. Supt. Santos sa tanggapan ni NPD director Chief Supt, Edgardo Ladao, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Deparo Road.

Bago maganap ang shootout,  tumanggap  ng impormasyon ang tanggapan ng Sub-Station (SS)-5 na ang magkapatid ay nag-iinuman sa bahay ng kanilang pinsang babae sa nasabing lugar.

Kaagad na inatasan ni Chief Insp. Reydante Ariza ang kanyang mga tauhan upang i-serve ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Adoracion Angeles ng RTC Branch 121 hinggil sa mga kasong Robbery-Hold-Up at Robbery w/ Homicide na walang kaukulang piyansa.

Nang malaman ng magkapatid na may dumarating na mga pulis, agad na pinaputukan ng magkapatid ang mga awtoridad na humantong sa pagpapalitan ng putok ng baril.

Matapos ang putukan, parehong duguang nakabulagta subalit may natitira pang hininga ang magkapatid dahilan upang dalhin sa Nodados General hospital, subalit hindi na umabot nang buhay ang mga ito.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .45 baril at dalawang motorsiklo.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.