Wanted na Ex-Tanod, Arestado

MAKALIPAS ANG ilang taong pagtatago sa batas, nadakip na ng mga operatiba ng Meycauayan Police ang isang dating barangay tanod na sangkot sa kaso ng pagpatay sa anak ng isang alahero sa Brgy. Poblacion, Meycauayan City.

Kinilala ni P/Supt.Sidney Villaflor ang nadakip na suspek na si Rizalino Rubinos, 38 anyos, alyas Alamid, dating barangay tanod, at residente ng Blk-8, Lot 189, Northville-3, Brgy. Bayugo sa nabanggit na siyudad.

Inaresto ang suspek sa dalawang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Branch-11 RTC Judge Basilio Gabo Jr. sa kasong Murder, at kasong paglabag sa Sec.29 ng Republic Act 9165 sa sala naman ni Branch-8 RTC Judge Manuel Ortiguera.

Ganap na alas-12:00 ng hapon nang ma-dakip ang suspek makaraan ang halos isang buwan na pagbabantay ng mga force multipier ng PNP sa nabanggit na lugar.

Matatandaang si Rubinos din ang bumaril at nakapatay kay Christopher GallardoY Labudlay noong Oktubre 15, 2012 sa Brgy. Salusoy, kung saan naglalakad papauwi ng bahay ang biktima nang bigla na lamang ito barilin sa hindi pa malamang kadahilanan.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Meycauayan City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.