Wanted na Drug Personality sa Ifugao, Nasakote

NAHULOG NA sa kamay ng mga kinauukulan ang lider ng local drug group sa Cordillera at Cagayan Valley regions at numero uno sa target list ng drug personality sa lalawigan ng Ifugao kasunod ng matagumpay na operasyon na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Cordillera).

Ayon sa pahayag ni PDEA Director Gil Cesario Castro, siya mismo ang namuno sa pagsisilbi ng Warrant of Arrest laban sa nahuling suspek na si Peter Cayong Ambojnon, 56, sa kanyang bahay sa Sitio Mangandingay, Hapid, Lamut, lalawigan ng Ifugao.

Nakuha sa bahay ng suspek ang 10 sachet ng Shabu, iba’t ibang paraphernalia para sa packaging at paggamit ng Shabu, isang improvised caliber .22 handgun, 94 na bala ng 9mm pistol, 40 bala ng caliber .38 revolver at tatlong bala ng caliber .45 pistol.

Napag-alaman na ang bahay ng nasabing suspek ay ginagamit ng Ambojnon drug group para sa repackaging, pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Lumalabas pa sa listahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG–CAR) na ito ay nasa order of battle dahil sa gun running o iligal na pagbebenta ng baril.

Samantala, nasampahan na si Ambojnon ng kasong paglabag ng Section 8, Section 12 at Section 11 ng Republic Act  9165 o ang paggawa, pagtutulak at pag-iingat ng iligal na droga at Presidential Decree 1866 as amended by RA 8294 at RA 9516 o iligal na pagmamay-ari ng baril.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.