Wally Bayola’s Viral Sex Scandal

GRABE ITONG kinasasangkutan ni Wallly Bayola dahil sa video niyang kumakalat sa facebook at sa maraming social networks. Grabe naman ang mga komento. Ayaw ko na lang isulat, baka makadagdag pa sa malisya. Isang komento sa Jose & Wally account FB: “Kung may nagawa man si Wally, pamilya na po nya ang bahala kung anong opinyon o sasabihin… Di natin alam ang tunay na kwento.. Kaya itigil na lang po natin ang mga kung anu-ano man.. Kasi kahit maraming sabihin man tayo, Wala rin mangyari.. Nasaktan na ang pamilya nya, at siya, wag na tayo dumagdag kasi wala rin tayong maitutulong..”

Pabor ako diyan. ‘Di kayo makatutulong, problema nilang pamilya ‘yan. Sila rin ang mag-aayos niyan. Kawawa naman itong pamilya ni Wally. Mga babae pa naman halos ang mga anak nito at may iisa lang na lalaki. Kamakailan ay may naospital pang anak ito at may sakit ata na kanser. Ginawa ko nga naman na i-share para tulungan sa mga prayer.

Talented pa naman itong si Wally. Kaya lamang eh, bakit naman kasi, eh?! Hindi naging maingat lalo’t nasa gitna pa naman siya ng kasikatan. Sa ngayon pa naman ay wala nang maitatago sa mga tao, lalo’t nasa dulo na ng mga daliri ng tao ang pag-alam sa mga balita via online media. Kahit sa anong paraan, mabuti at masama ay naisi-share ang mga bagay na maaaring sumira sa tao o lalong magpausbong ng kaalaman sa iba.

Ang tanong, saan nanggaling ang mga leaked scandal? O kung may iba pa sa loob ng kuwarto lalo’t uso na ngayon ang camera. Saang lugar ito nakunan? Sinu-sino ang involve dito? Kung sinuman ang may gawa nito, grabe ka kasikat kung anuman ang motibo mo? Pero kung sa krimen, mas malala ka sa kanila. Ikaw ang pinagmulan ng mga isyu, nakakatuwa ba ang ganito?

Sana naman mag-isip tayo. Hindi lahat ay maaaring gawin natin. Lalo’t sa mga pribadong isyung ganito. Kaya lamang, sana nga ‘wag nagmula mismo sa babae at lalaking nasangkot dito. May nagsasabing baka naghihingi ng demand aniya itong si babae sa lalaki, ‘tapos ‘di mapagbigyan kaya sumambulat ito.

Hay, naku! Ispekulasyun pa lamang ito. Pero sana naman, magkaroon ng tamang batas na huwag namang ganyan nang ganyan… dahil nakasisira tayo ng buhay.

 

Ama ni Krista Miller, Galit na Galit kay DJ Mo

 

ISA AKO sa invited guest ni Krista Miller sa ginanap niyang birthday party noong nakaraang Agosto 24, 2013 sa Quezon City. Marami ang dumalo. Naroon ang mga kaibigan ni Krista, mga magulang, kapatid, mga kamag-anak at mga media. Nataong nagkatabi kami nang upuan ng daddy ni Krista. Nagkuwentuhan kami nang tungkol sa Jai-alai. Ayon sa kanya ay dati siyang kinikilalang player nito.

Napunta kami sa topic tungkol sa kanyang anak na si Krista. Naiinis siya at galit na galit siya rito kay DJ Mo Twister dahil aniya sa mga paratang at mga sinasabi nito laban sa anak sa program nito sa radio. Hindi naman niya ito kilala, ni hindi pa rin daw nito nakaharap ni Krista. Papaano naman daw ito makapagbabalita ng tungkol kay Krista, samantalang wala naman itong si DJ Mo sa ating bansa.

Nagtataka raw siya kung saan nakuha itong mga balita at saan nanggaling ang mga paninira sa kanyang anak. Mukhang nanggagalaiti itong nagpapaliwanag sa akin, “Makita ko lamang ito…!”

Naks! Itong si DJ Mo talaga dumarami ang kalaban. ‘Ika nga ng iba, kasi naman eh! Hahaha!

Ang sagot ko, maaaring ibinabato sa kanya ang mga balita via net, Facebook, Instragram, Twitter, blogs, at iba pa. Natural ‘yun sa ngayon, dahil kahit malayo ay nakasasagap ng balita. Kaya lamang, huwag nga namang overkill, aniya.

 

Ito ang larawan sa canvas ni Maesto Orobia. E-mail: orobiakpp@yahoo.com

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

 

loading...

2 thoughts on “Wally Bayola’s Viral Sex Scandal

  1. btw lesson learn from hayden-wally and future sex video scandals that na huwag na huwag kang papayag sa anumang agreement or deal na gumawa ng sex videos sa kakilala or sa iyong kasintahan gamit ng iba’t ibang teknolohiya para pag nag hiwalay ay hindi magamit bilang blackmail para perahan at magkabalikan, pag pina-ayos mo sa isang techinician ay walang ma retrieve  na sex video na pwede niya ikalat sa internet or accidentally manakaw na walang  nilalaman ng sex videos mo sa nanakaw na gamit na pwedeng ikalat ng mga magnanakaw sa internet.At pag may naramdaman o nakita kang binibidyo ka ng hubot hubad ng walang pahintulot ay kaagad mo nang isumbong sa otoridad para mahuli na makasuhan ng ra 9995 at mapigilan din ang planong pagpapakalat sa internet ng kinunang hubot hubad na video mo.

  2. well mayroon naman batas diyan at iyong ra 9995 at btw may asawa di ba si wally so baka makasuhan pa siya ng concubinage kung napatunayan itong lumabas na sex video ni wally habang kasal pa siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.