Wally Bayola, nagtangkang magpakamatay

Wally-BayolaWally-BayolaSA 10TH anniversary ng Zirkoh nagpaunlak magpa-interview si Wally Bayola bago ito sumalang sa kanilang number ni Jose Manalo.

First time nagpaliwanag si Wally magmula nang makabalik siya sa Eat Bulaga after ng controversial na sex scandal nila ni Yosh ng EB Babes.

Sinagot niya kung tinanggal ba siya sa Eat Bulaga or sinuspinde matapos lumabas ang sex video at kung sino ba talaga ang naglabas ng kanilang sex video ni Yosh atbp isyu.

“Hindi ako tinanggal at hindi rin ako sinuspinde. Ako na ang kusang huminto na muna. Hindi na ako nag-report sa Eat Bulaga mula nang maglabasan nga ang mga ‘yun (sex video). Ang ipinagtataka ko, ang tagal na noon, year 2010 pa. Tapos, ‘eto lumabas 2013.

“Alam ng mga anak ko may girlfriend ako. Maging ng misis ko, naging magkaibigan pa nga sila, lima ang anak ko, apat na babae at isang lalaki,” paliwanag ni Wally.

‘‘Yung laptop ko binili ni Yosh 2012 pa,” patuloy ni Wally. “Nag-aaral kasi siya noon ng Mass Com at kailangan nilang mag-edit-edit.  Eh, nasira kaya pinagawa niya. Pero bago napunta sa kanya, lahat ng files doon, dinilete ko. Lahat-lahat. Eh, kahit pala na-delete mo na ‘yung files, nari-retrieve pa rin pala ang mga ‘yun.

“Nang lumabas na ang video, naalarma na ako kaya humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko sa NBI. Tumulong naman sila kaya lang may iba nang lumabas pero na-trace nila kung sino ang naglabas.”

Ayon pa kay Wally, na-trauma siya sa nangyaring ‘yun sa kanya. “Alam ninyo ba na ang hirap? May sakit pa ang anak ko. Nagpapa-chemo siya dahil may cancer of the blood, ang sakit niya. Mahal ang magpa-chemo at iba pang medicine niya na mahigit P3K isang araw ang gastos. Saan ko kukunin ‘yun kung wala akong trabaho.

“Walang pumapasok kaya lahat ng perang naipon namin labas lahat. May mga tumutulong pero sa laki ng gastusin kahit gusto mo nang lumapit sa mga kaibigan mo, eh, nahihiya ka. ‘Yung isa kong anak, nahinto sa pag-aaral para mag-give way sa kapatid niyang may sakit.

“Nu’ng time na ‘yun, hindi ko alam ang gagawin. Nagkulong ako sa kuwarto nang dalawang linggo. Pumasok pa sa isip ko na tapusin ko na nga, eh. ‘Yung gusto ko nang magbaril sa sarili. May baril ako sa bahay na nu’ng time na ‘yun ay nilalaro-laro ko. Konting-konti na lang puwede na siyang sumabog.

“Biglang nag-ring ang telepono na parang saved by the bell. Kasi after nang pag-uusap namin nang tumawag ay nakalimutan ko na ang binabalak kong pagpapakamatay.”

Pagkatapos nga raw ng pag-uusap nila ni Jose sa phone ay kaagad niyang pinuntahan sa ospital ang anak. Paglapit daw niya sa anak ay nasabi daw ng anak na, “Ikaw kasi Papa, eh.”

Tapos ay niyaya raw siya ng anak na magdasal sila at ang anak na may sakit pa ang nag-lead ng dasal kasama ang mabait niyang wife.

Habang nagdarasal ay hindi na raw napigil ni Wally ang mapaiyak at humingi ng tawad sa nagawa niyang kasalanan.

Patuloy pa ni Wally nang okey na siya ay lumapit siya kay Ma’am Malou Choa Fagar at nagpaalam kung puwedeng lumabas siya sa Zirkoh paminsan-minsan at pinayagan naman daw siya ng kanyang maunawaing manager.

Nilapitan din daw niya sina Vic Sotto, Joey de Leon, at humingi ng sorry sa mga ito. Pero hindi pa raw siya nakahihingi ng sorry kay Tito Sen.

Nagpasalamat din si Wally sa Eat Bulaga family dahil napaka-supportive daw ng mga ito sa kanya.

Kinumusta naman namin si Yosh kung alam ba niya kung nasaan na ngayon ito at kung nakapag-move on na rin ba ito?

“Hindi ko alam kung nasa’n na siya ngayon. Wala na akong alam sa kanya,” aniya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Wally Bayola, nagtangkang magpakamatay

Leave a Reply

Your email address will not be published.