Wally Bayola, balik-trabaho sa Eat Bulaga pero kulang pa rin sa sigla

Wally-BayolaMABUTI NAMAN at nakabalik na si Wally Bayola sa Eat Bulaga nu’ng nakaraang Sabado.

Itinaon ito sa birthday celebration ni Jose Manalo at kunwari si Wally ang sorpresa na kabiyak ng puso na hawak niya.

Hindi napigilan ni Wally na maiyak nang tinawag na siya na mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Dito naman ako talaga bilib sa mga taga-Eat Bulaga dahil hindi talaga nila pinababayaan ang mga kasamahan nilang dumadaan sa matinding pagsubok.

Mahirap itong desisyon nila na pabalikin si Wally dahil siyempre i-consider mo riyan ang mga advertisers, lalo na’t isang wholesome show ang Eat Bulaga.

Pero pagkalipas ng limang buwang bakasyon ni Wally, pinabalik na ito at sana nga tuluy-tuloy na.

Malaki ang pasasalamat ni Jose dahil isinabay pa raw sa birthday celebration niya sa Bulaga ang pagbabalik ng ka-partner niya.

Kaya pinapayuhan niya si Wally na mag-ingat na ito at huwag nang sayangin ang isa pang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Pero kapansin-pansin na iba pa rin si Wally dahil hindi pa siya ‘yung dating Wally na masigla at masayahin.

Siyempre, hindi ganu’n kadali ‘yun kaya inalalayan lang siya nina Jose at Paolo Ballesteros na kasama niya sa Juan for All segment ng eat Bulaga.

Sana nga mabalik na sa dati si Wally at tuluy-tuloy na rin ang raket nila ni Jose bilang magka-partner.

Hindi lang ako sure, kung babalik si Wally sa Celebrity Bluff. Ang dinig ko kasi, parang hindi na, eh. Pero mabuti na rin ‘yung nasa Eat Bulaga pa muna siya at rumaraket naman siya sa mga shows sa mga comedy bars, eh.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Wally Bayola, balik-trabaho sa Eat Bulaga pero kulang pa rin sa sigla

Leave a Reply

Your email address will not be published.