Wally Bayola at Yosh Rivera, tama lang na manahimik

“ANO PO’NG masasabi n’yo sa video scandal nina Wally Bayola at EB Babe Yosh?”

‘Yan ang tanong na madalas naming mabasa sa aming mentions sa Twitter. Dahil noon, kay Chito Miranda, naging vocal kami. Dumating pa sa point na ‘yung ilang  (ilan lang naman sila at ‘yung iba’y naiintindihan kami) fans ay inookray pa kami.

Pinatapang ng video scandal nila ni Neri Naig si Chito. Parang sinisisi pa nito ang mga tao at sinasabi niya kung gaano kabait at kamatulunging tao si Neri.

Eh, sa totoo lang, hindi naman ‘yung kabaitan at pagkamatulungin ang isyu rito, kungdi ‘yung bakit n’yo pa ibinidyo ‘yung dapat sana’y pribadong ginagawa ng magdyowa?

#RespectForChitoMiranda. Nag-trending pa itong hashtag na ito. Hindi ba puwedeng #ConsoleChitoMiranda or #WeSupportChitoMirandaWhateverHappens. Ang tanong namin, paano naman ‘yung babaeng “bida” sa video? ‘Di ba, mas nangangailangan ng respeto ‘yon?

Anyway, tapos na ‘to, me bago nang video.

AT ANO nga raw ba ang masasabi namin sa video scandal nina Wally at Yosh?

Actually, tama ang ginawa ni Wally o ni Yosh na ‘wag nang magsalita. Wala naman ding dapat ipaliwanag, dahil obviously, tanga na lang ang hindi maniniwalang hindi sila ‘yon, ‘di ba?

Pero tama rin ang ginawa ng manager nitong si Tita Malou Choa-Fagar na magpahinga muna for a while si Wally para palamigin ang isyu at tuluyang makalimutan ng mga tao.

Hindi na nga lang namin alam kung ano naman ang stand ng mag-iina ni Wally kung saaan meron pa silang limang anak na malalaki na ‘yung apat. Pero dinig namin, hindi pa rin bibitiw ang misis na si Riza ke Wally.

Although, sabi pa ng aming source, mali na ang ginawa ni Wally, pero hindi sa panahong ito iiwan nito ang asawa. Mas pinatutunayan daw nito ngayon na kailangang maging matatag sa mga ganitong pagsubok.

Pagkatapos ng lahat ng ito, lalo pang iba-value ni Wally ang pamilya at sobrang hindi niya kayang mawala ang pamilya niyang sa kabila ng kanyang kasalanan ay niyakap pa rin siya at itinuturing na haligi ng tahanan.

 

RIGHT TIMING ang pagdating ng Momzilla na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Eugene Domingo, dahil sobrang napapagod na ang mga tao sa malulungkot na balita sa bansang ito at kailangan nating kahit sandali’y makalimot sa pork barrel at kalamidad.

At ‘eto ngang movie na co-prod ng Viva at Star Cinema na trailer pa lang ay aliw na aliw na kami at muli ay patutunayan ni Direk Wenn Deramas na siya talaga ang Box-office Director.

At ito rin ang pelikulang magbabalik ng ningning ng isang Maricel Soriano, lalo na’t iisa lang din ang likaw ng bituka nila nina Eugene at Direk Wenn.

Napanood na rin namin ang trailer noon habang nanonood kami ng sine. Tawanan din ang mga tao, kaya feeling namin, blockbuster na naman ito.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Wally Bayola at Yosh Rivera, tama lang na manahimik

  1. nung nambabae ang asawa ko, binantaan ko sya na wag matutulog ng mahimbing dahil tatarakan ko sya para tuloy2 na ang tulog nya. hahahahahahaha!

  2. ako bilang may asawa na nambabae din naiintindihan ko yung magiging sitwasyon ng wife ni wally masakit yun lalo na sa mga anak nila… ang nakakainis lang kasi sa mga babae bakit kayo pumayag makipag relasyon or makipag sex sa mga may asawa na.. nasan ang respeto nyo sa sarili nyo. bakit ba may kabit kasi may pumapayag maging kabit…kaya nga nasa taas ang utak para mag isip eh… kaya masasabi ko sainyo buti nga sainyo ng mapahiya kayo sa mga kababuyan nyo… 

Leave a Reply

Your email address will not be published.