Walk with the Stars

SUCCESSFUL ANG GINANAP na 5th Walk of Fame ng nagiisang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno sa Central Plaza ng Eastwood City Walk sa Quezon City noong Miyerkules, Disyembre 1. Tuwing darating ang unang araw ng Disyembre, nagbibigay ang veteran TV host ng mga bituin para sa mga napiling mapapalad na local celebs.

This year, hindi lang mga taartits ang mapapabilang sa kahabaan ng Eastwood City Walk, kundi pati na rin ang ilang media personalities, athletes at iba pa. Naging kontrobersiyal din ang pagkakapasok ng Japanese actor na si Jacky Woo sa Walk of Fame. Pero para kay Kuya Germs, hindi matatawaran ang mga naiambag ng nasabing foreign actor sa movie industry ng bansa kaya huwag na raw intrigahin pa. Hmmm… well, may point si Kuya Germs, mag-move on na ang mga nag-aampalaya at wala nang magagawa pa dahil naibigay na ‘yun, ‘noh!

Naispatan naman ng aming makukulit na kamerang-gala ang ilang celebrities na rumampa bitbit ang kanilang mga bituin, he-he-he! Charot!

Ako kaya, kailan makakatikim ng star kay Kuya Germs? Chos!

Photos by Mark Atienza & Ricky Agapito

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.