Walk of Fame

SUCCESSFUL ANG 6th Walk of Fame ni German “Kuya Germs” Moreno noong December 1 sa Eastwood City Gardens sa Libis, Quezon City. This year, 33 celebrities ang binigyan ni Kuya Germs ng bituin sa Walk of Fame. May mga veteran stars tulad nila Luz Valdez, Marita Zobel, Liberty Ilagan, Robert Arevalo, Rustica Carpio, Caridad Sanchez, Elizabeth Ramsey, Coney Reyes, Gloria Sevilla at Pilar Pilapil. Sinamahan ng mga sikat na mga artista ngayon tulad nila Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Angel Locsin, Anne Curtis, Carmina Villarroel, Iza Calzado, Carla Abellana, Lovi Poe, Rhian Ramos, Marvin Agustin, Sam Milby at Heart Evangelista, Sa mga singers ay binigyan ng star sila Joey Albert, Celeste Legaspi at Cocoy Laurel. Sa larangan naman ng news at broadcasting, binigyan ng kanilang bituin sila Jessica Soho at Tina Monzon-Palma, Binigyan din ni Kuya Germs ng star ang mga yumaong celebrities na kinakatawan ng kanilang family members tulad nina Paquito Diaz,  Inday Badiday,  Helen Vela,  Ike Lozada,  AJ Perez at Miko Sotto.

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Rudolph Santos

One thought on “Walk of Fame