Walisin ang mga bata ni Noynoy!

PAGKAKATAON NA NGA ni Noynoy na baguhin ang komposisyon ng kanyang official family.

Sapat na ang anim na buwang pagkakaupo ng Classmates Incorporated dahil kahit paano’y nakaipon na ng kabuhayan ang mga ‘yan.

Mataas ang expectation ng bayan sa kanyang liderato kaya dapat lamang na patunayan niyang tauhan lang siya ng kanyang mga tinatawag na ‘Boss’.

Kahit anong tuwid na landas na sinasabi ni Noynoy ay wala pa rin tayong mararating kung dead end ang hangganan.

Kailangang mapag-isipan ni Noynoy na tapos na ang super honeymoon period at tapos na ang pagsangkalan sa kanyang popularidad. Time to work na po, Mahal na Pangulo.

At ang avalanche of change ang dapat umiral sa unang dalawang buwan ng taon. Hindi nagbibiro si Miriam nang sabihin niyang light weight ang maraming nahirang na opisyal ni Noynoy.

At lalong hindi nagbibiro si Joker nang itulad niya sa student government ang paraan ng palakad ng lover boy na si Noynoy.

HINDI NAMAN MAHIRAP kumuha ng tao na puwedeng makatulong sa pamahalaan. Huwag lamang gamitin ang pagiging kaklase, kaibigan at kamag-anak ay sapat na para makakuha ng mga magagaling na makakasama sa sinasabi niyang good governance.

Maraming puwedeng kunin kung talagang magiging objective lamang si Pangulo sa paggamit ng kanyang appointing power.

Sa ngayon, parang duplikado na ng Arroyo government ang ating mga naririnig na pahayag t paliwanag sa maraming isyu.

Si Atty. Edwin Lacierda ay nagtutunog Toting Bunye na rin. Si Coloma, sounding like Ed Ermita. Si Valte, parang sinukluban ng kaluluwa ni Lorelie Fajardo, si Ricky Carandang parang si Matimtiman Cruz na mali-mali. Si De Lima, parang sinapian ni Raul Gonzales, si Bong Naguiat, parang nagpapaktakbo ng tupadahan sa istilo ng management sa Pagcor, si Alberto Lim, daig pa ng LGU tourism chief. Mas magaling pa kay Lim ang promoter ng Oktoberfest!

Sino nga ba’ng secretary ng DTI na parang sign language lang ang alam?

Si DILG Secretary Robredo, parang barangay-ex-o ang istilo!

Si Executive Secretary Jojo Ochoa, akala mo lider lang ng Samahang Rugby Boys na kung hindi mukhang lassshing, mukhang nakatoma!

Aba, Mahal na Pangulo, huwag mo kaming pagpraktisan, sabihin mo kung hindi mo kaya talaga ang maging lider ng bayan.

Puwede mong ibigay kay Binay ang presidency at mag-vice president ka muna.

NAKAPANGHIHINAYANG DIN NAMAN si Mar Roxas na pihadong mas magaling na manager kaysa kay Noynoy.

Sapat ang karanasan ni Mar para maging lider at talagang hinog na sana sa posisyon.

Nilamon lang kasi ng oportunistang si Noynoy ang pagkakataon.

Kung hindi lamang siya nagkainteres sa posisyon, dapat ay sinuportahan niya na lang ang kinapos na popularidad ni Mar para maging kandidato sa pagkapangulo at si Noynoy ang vice.

Kaya ngayon, ito ang malaking problema ng bansa, hindi alam ng nasa Palasyo kung paano pamamahalaan.

Kunsabagay, syota nga hindi mapangasiwaan, buong bayan pa kaya!

allanpunglo@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion
allanpunglo@yahoo.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.