Walang Ulo, Natagpuan sa Dagat

NAKUHA SA dagat ang isang bangkay na wala nang ulo ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PSG). Nakita ito sa dalampasigan na hindi kalayuan sa kampo ng Philippine Air Force (PAF) sa Brgy. Poro, San Fernando, La Union.

Ayon sa panayam kay Lt. Jomark Angue, Operations officer ng PCG district sa Northwestern Luzon, natagpuan ang bangkay na wala nang ulo na lumutang-lutang sa dagat. Nahihirapan na rin ang awtoridad na makilala ang bangkay dahil sa state of decomposition nito.

Sa ngayon, nasa punerarya na sa bayan ng Bacnotan ang bangkay, hinihintay kung may kaanak na makakakilala rito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.