Walang ulo, kamay at paa katawan ng babae, isinilid sa bag

PUGOT ANG ulo, walang paa at kamay nang matagpuan sa isang kulay itim na bag ang katawan ng isang babae na nakabalot sa tatlong kulay itim na plastic bag habang nakalutang sa isang sapa sa Sitio Daang Bakal, Brgy. Catmon, Malolos City kamakalawa ng umaga.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Supt. Dave Poklay, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang pugot na katawan ng babae na nakasilid sa loob ng itim na bag na nakasuot ng short sleeves na kulay brown na may spot ng kulay itim, habang nakasuot ng kulay pula na panty.

Nabatid na isang Enrique Bagtas, 44, isang OFW; at Julius Basa, 27, tricyle driver, ang nakadiskubre sa sports bag na kulay itim, kung saan inakala ng dalawa na pera ang laman kaya dali-dali nilang iniahon mula sa sapa ang naturang bag na naglalaman ng katawan ng tao.

Lumitaw rin sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives na malaki ang posibilidad na ginahasa muna bago kinatay ang biktima dahil sa nagkaroon ng pilas sa puwerta ng biktima.

Matalas ang patalim na ginamit sa pagputol sa hita at balikat ng babae dahil sa diretso ang naging putol ng mga buto ng biktima.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa karumal-dumal na pamamaslang sa babaeng nasa edad 30-35 anyos. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.