WALANG TRAFFICKING KUNG WALANG ESCORT SERVICE SA AIRPORT!

UNA, AAMININ KO po muna na hindi nakaayos ang papeles ko nang pumasok ako sa Nigeria. Kahit po ganu’n, maganda po ang kita ko roon. Pero dahil minsa’y kailangan kong umuwi ng Pilipinas, ‘di maiwasang bumabalik ako sa bansa at pagkatapos noo’y babalik akong muli sa Nigeria. ‘Eto po ang problema—dahil alam ng taga-Immigration sa airport ang sitwasyon ng papeles ko, nagkakaroon sila ng dahilan para gipitin ako. Pero ‘di po problema ‘yun. Mag-ipit lang ako ng $300 sa passport ko ay nakakalusot na ako. At palaging ganu’n ang aking ginagawa. Pero ang inaalala ko po ay ang iba pa nating mga kababayan na palaging dumadaan sa mga tauhang ito ng airport at palaging nabibiktima. Wala po ba talaga tayong magagawa tungkol sa mga bagay na ito?—Lito ng Sta. Rita, Pampanga

SA HULING BALITA mula sa Bureau of Immigration, may plano sila na maglagay ng mga camera at jammer d’yan sa airport para raw ma-monitor ang mga usapan sa cellphone na siyang ginagamit ng mga human traffickers na kasabwat ang mga taga-airport.

‘Yan ang problema sa mga opisyales natin sa airport at maging sa ibang ahensiya. Ang akala nila, ang lahat ng problema ay malulutas sa pamamagitan ng high-tech. Totoo na kapag na-monitor ang mga tawag ay baka mabawasan ang sabwatan ng mga sindikato at taga-Immigration. Pero libu-libo ang mino-monitor nilang tawag at tiyak na may masasagap din silang ibang klaseng usapan na maaari na naman nilang magamit para mang-blackmail, ma-ngotong o manghingi ng lagay.

Ang solusyon pa rin ay alisin na ang tauhan d’yan na kayrami nang rekord ng pangongotong. Marami riyan ang nasa payroll ng mga recruiter at dekada na ang binibilang ng tagal ng kani-lang operasyon d’yan. Kumbaga sa sakit, hindi puwedeng Aspirin lang ang ipanggamot sa kanser. Kailangan ang operasyon. Ganyan ang dapat gawin d’yan sa airport, lalo na sa mga taga-Immigration.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com


Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.