Walang Trabaho, Bawal Humawak ng Baril

HINDI NA makakakuha ng lisensiya ng baril ang mga walang trabaho at mga hindi nagbabayad ng buwis pero gustong magkaroon ng baril.

Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino III ang Republic Act 10591 na may titulong “An Act Providing for Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations Thereof” kung saan nakasaad na ang mga maaari na lamang bigyan ng lisensiya para magkaroon ng baril ay mga may trabaho o negosyo o nakakapag-file ng income tax return.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nakasaad sa batas ang mga standards at prere¬quisites para sa pagkuha ng lisensiya ng baril.

Kinakailangan ding hindi pa nako-convict sa anumang krimen at nakapasa sa psychiatric test na ibibigay na accredited psychologist at psychiatrist ng Philippine National Police ang mga nagnanais magkaroon ng baril.

Samantala, dapat nakapasa rin sa drug test at maging sa gun safety seminar ang mga bibigyan ng lisensiya na magkaroon ng baril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.