Walang Sasantuhin sa Italian Priest Killing – P-Noy

TINIYAK NI PANGULONG Benigno “Noynoy” Aquino III na walang sasantuhin ang gobyerno sa pagkakapaslang sa Italian priest na si Fr. Faustino Tentorio.

Magugunitang kasama sa mga sinusu-baybayang leads ang pagkakasangkot ng paramilitary groups at iba pang armadong grupo sa North Cotabato.

Pinapaniwalaan ka-sing sympathizer ng New People’s Army (NPA) si Fr. Tentorio at isang advocate laban sa pagmimina.

Kahit sino pang responsable sa krimen ay dapat managot at hindi polisiya ng administrasyon ang pagkanlong sa mga kriminal, ayon sa pahayag ng pangulo.

Ang pagkakasangkot ng paramilitary groups sa krimen ay isa umano sa mga teoryang sinusubaybayan ng mga imbestigador, dagdag pa ni P-Noy.

Samantala, may mga suspek na umano ang PNP pero hindi pa maaaring pangalanan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAMPinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.