Walang Pinoy na Nasaktan sa Pagsabog sa Boston Marathon – DFA

WALANG PINOY ang na-damay sa pagsabog ng naganap sa Boston Marathon sa Massachussets kung saan tatlo ang namatay at higit 100 ang nasugatan.

Base ito sa report ng embahada ng bansa sa Washington DC.

“No Filipino casualties reported in the Boston Marathon blasts but still checking to make sure all Filipinos in area are accounted for,” ayon sa embahada.

Kinumpirma naman ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson, Asec Raul Hernandez.

“So far wala po tayong reported na Filipino casualties sa mga pagbomba sa Boston Marathon,” ani Hernandez.

Wala rin aniyang report ng Pinoy runners na nasugatan sa nasabing  insidente.

Ngunit ayon kay Hernandez, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa mga pulis, pagamutan at mga Filipino community para alamin kung may nadamay na Pinoy sa pagsabog.

Lumalabas sa ulat ng The Boston Globe, isang walong taong gulang na bata ang isa sa tatlong namatay sa magkasunod na pagsabog sa marathon. Higit 100 na ang naiulat na ring sugatan.

Samantala, blangko pa rin ang mga kinauukulan sa mga nasa likod ng pagsabog.

Nakikiisa naman ang Pilipinas sa pagdadalamhati ng international community at pakikiramay sa mga naulila ng mga namatay.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kasama rin sila sa pagdarasal at pag-asang agad silang makarekober sa trahedya.

Sinabi ni Lacierda na mariin nilang kinokondena ang karahasan sa isang masayang okasyon ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa.

Personal umanong ipinaparating ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pakikisimpatya sa mga taga-Boston kung saan tumira ang kanilang pamilya noong panahon ng Martial Law.

“The administration joins the international community in extending our deepest sympathy to those who have lost loved ones in the bombing of the Boston Marathon. At this moment, scores are being treated for injuries, some of them quite life-threatening. We offer our prayers and best wishes for their recovery,” ani Lacierda. “The President personally conveys a message of deep sympathy, concern, and solidarity with the people of Boston, where he and his family had found refuge during Martial Law, and which so many Filipinos call home. Boston is a city of bravery, openness, and liberty: this tragedy will not change these essential truths, and points of pride, for this great city.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.