Walang pera; puri, kinuha ng holdaper sa bebot

KASALUKUYANG PINAGHAHANAP ng mga kinauukulan ang isang holdaper na nangmolestiya sa isang 30-anyos na babae na kanyang hinoldap sa Purok Red Rose, Barangay Yati, Lilo-an Cebu City.

Sinabi ni C/Insp. Jose Liddawa ng Lilo-an police station na ang nasabing biktima na hindi na pinangalanan ay personal na dumulog sa kanilang tanggapan upang isumbong ang ginawa ng salarin sa kanya.

Ayon sa biktima, habang naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay, isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagdeklara ng holdap ngunit nang sinabi niyang wala siyang dalang cellphone at pera, tinutukan siya ng baril sa ulo, binuksan ang kanyang blouse at doon ginawa ang paghalik sa kanyang dibdib at hindi pa ito nakontento, inatasan nitong siya’y i-oral sex ng biktima.

Lumalabas sa salaysay ng biktima, hindi na siya nakasigaw dahil sa takot at wala ring ibang nakakita sa insidente dahil liblib ang naturang lugar.

Samantala, matapos ang pangmomolestiya ay mabilis na tumakas ang holdaper at ayon pa sa mga awtoridad, posibleng ang suspek ay nakatira lang malapit sa nabanggit na lugar.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.