Walang Patawad sa Pangongotong!

  • 0920266**** – Idol, gusto ko lang pong matuldukan ang pangongotong nitong isang traffic enforcer na naka-assign dito sa Roxas Boulevard sa may Pasay. Wala pong patawad sa pangongotong. Sana po ay madisiplina ninyo ito. Salamat po.

 

  • 0920273**** – Sir, ire-report ko lang po sa inyo ang isang traffic enforcer na malupit kung mangotong, kawawa ang mga nahuhuli niyang motorista lalo na ang mga nakasakay sa motorsiklo. Ang style nitong enforcer nito ay kunwari titiketan ka pero pagtagal-tagal ng usapan ay pera lang talaga ang kailangan para areglado agad. Sana ay maipatigil na ang style nitong kotongerong enforcer na ito.

 

  • 0910798**** – Sir, pakikalampag naman ang mga kinauukulan sa Caloocan City dahil iyong mga pulis na nakasakay sa mobile car na nakaparada sa kahabaan ng C-3 sa gabi ay grabe pong mangotong sa mga truck driver. Sana po ay maitigil na ito. Salamat po.

 

  • 0939373**** – Sir Raffy, hihingi lang po kami ng tulong sa inyo kasi iyong isang kapitbahay namin na menor de edad ay binaril ng isang pulis. Ngayon po ay nag-aagaw-buhay po iyong bata. Marami pong nakakita sa pangyayari at lahat ay nagsasabing mali iyong ginawa ng pulis. Dito po nangyari iyon sa Cavite, sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat po.

 

  • 0909730**** – Sir Raffy, isa po akong taxi driver at gusto ko lang pong isumbong ang raket ng mga enforcer dito sa tubusan ng mga lisensya sa Makati. Dahil kapag tutubos kayo ng lisensya ay may sasalubong sa iyo na nakadilaw na traffic aide at sasabihin na siya na lang ang kukuha ng license mo. Pumayag po ako dahil mas mababa ang babayaran ngunit wala pong resibong iisyu sa iyo.

 

  • 0943407**** – Sir, isa po akong concerned citizen ng Mandaue City, Cebu at gusto ko lang pong itanong kung talaga po bang may bayad ang mga gamot na galing sa isang barangay health center?

 

  • 0922862**** – Sir Raffy, nais ko lang pong ipagbigay-alam na iyon pong kartero sa may Calamba, Laguna ay magaling mangotong. Hindi po niya ihahatid ang SSS cheque ng company kung hindi kayo magbibigay ng P100.00 sa kanya. Ang kapal po ng mukha! Konting pera na inutang na nga lang namin ay mababawasan pa para lang sa kanya. Tulungan po sana ninyo kaming mabigyan ng leksyon ang taong ito para hindi na tularan ng iba. Salamat po.

 

  • 0935482**** – Idol, isusumbong ko lang po iyong Camadcad High School dito sa Castilla, Sorsogon kasi po sa mga estudyante po gustong hingin ang pampagawa raw ng kisame at bubong. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

  • 0933667**** – Idol Raffy, pakitulungan po naman ninyo kaming mga magulang ng mga estudyante dito sa Bagong Silang Elementary School sa Talavera, Nueva Ecija dahil sapilitan po kaming pinagbabayad ng P200.00 para sa bawat bata.

 

  • 0930846**** – Irereklamo ko po sana iyong eskuwelahan dito sa San Isidro Elementary School sa may Pagsanjan, Laguna dahil hinihingian po ang mga estudyante ng pampagawa ng blackboard at ambagan para sa pambili ng electric fan.

 

  • 0908203**** – Sir Raffy, pakikalampag naman ang pamunuan ng Rizal Elementary School sa Makati dahil taun-taon na lang ay nanghihingi sila ng pang-ambag para sa kurtina, electric fan at cabinet. Simula grade 2 ang anak ko hanggang ngayong grade 6 na ay ‘di na nabago at hinihingian ng tig-P100.00 bawat estudyante. Sana po ay matigil na ito. Salamat.

 

Ang Wanted Sa Radyo ay napakikinggan sa 92.3 FM Radyo5, mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na napanonood sa Aksyon TV Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-87-TULFO at sa 0917-7-WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.