Walang pang-tuition, biktima pa ng tsismis at pangmomolestiya
Bebot, Nagtangkang Mag-suicide

DAHIL SA patung-patong na problema, isang 20-anyos na dalaga ang nagtangkang magpatiwakal sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang kanang pulso sa loob ng dormitoryong tinutuluyan sa Kalibo, Aklan.

Hindi pinangalanan ang nasabing  biktima na residente ng Barangay Odiong, Altavas, Aklan.

Lumalabas sa ulat na natagpuan ang biktima ng naka-duty na lady guard sa tinutuluyang dormitoryo na duguang nakahiga sa kanyang silid dahil sa paglaslas sa kanyang pulso.

Dahil dito, agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang biktima na mabilis namang naisalba ang buhay nito.

Ayon sa ng biktima na pangunahin sa kanyang problema ang kawalan ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya.

Wala rin daw itong pambayad ng tuition fee sa pagbubukas ng pasukan, palaging sentro ng tsismis ng mga kasamahan na pawang lalaki umano ang barkada nito at biktima ng pangmomolestiya ng kanyang sariling tiyuhin na palagi umanong sumasagi sa kanyang isip.

Samantala, nagpapagaling na ang biktima sa pagamutan at kahit siya ay naniniwalang hindi pa niya oras na mamatay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.